Chapter 6

1100 Words
" Pero Ma'am- " " I said Get out! " sigaw niya ulit. " Bakit po ako lang, dapat- " " Get out! Both of you! " Napangiti ako ng sabihin yun ni Prof. kala mo ha! Hindi pwedeng ako lang ang lumabas sa room na to. Nginisihan ko lang naman si Mr. Sungit na siya namang kinasama ng tingin nito sa akin. Inismeran ko lang siya saka nauna nang lumabas, napasandal naman ako sa labas ng room namin saka hinintay na lumabas yung hayop na yun. Nang maramdaman kung papalabas na siya at malapit na siya sa pintuan agad kung hinarang ang isang paa ko, kaya ang nangyari muntik na niyang mahalikan ang sahig. Nakabalance kasi agad eh. " Sayang hindi na tuloy, nahalikan muna sana ang sahig ngayon. " natatawang sabi ko sa kanya. Sobrang sama na talaga ang tingin niya sa akin, parang gusto niya na akong ilibing ng buhay. Pero wala akong pakialam basta makaganti lang ako sa kanya. " Pano ba yan, patas na tayo. " sabi ko saka umalis sa harapan niya. Pero nagulat ako ng bigla niyang higitin ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. " Sa palagay mo san ka pupunta? " seryusong sabi niya sa akin. Nang tiningnan ko siya sa mga mata, masasabi kung NATATAKOT NA AKO! Parang biglang nag-iba na yung aura niya kaysa kanina. Patay na ako nito! Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin, nasasaktan na ako. " A-ano ba! Bitiwan muna ako. " pagpupumiglas ko sa kanya. Pero patuloy parin ito sa paglalakad at mukhang walang balak bitawan ang kamay ko. " Hoy! San mo ako dadalhin! " sigaw ko sa kanya habang hila-hila niya parin ako. Hanggang sa makarating kami sa parking lot at nagtataka naman akong napatingin sa kanya. " A-anong ginagawa natin dito? " hindi niya ako sinagot sa halip binuksan niya yung pintuan ng sasakyan niya. " Get in. " " Ha?! " gulat kung sabi. " I said! Get in! " galit niyang sabi, kaya agad naman akong napasakay sa loob ng sasakyan niya. Ang sama talaga nito, saan niya naman kaya ako dadalhin? May binabalak kaya ito sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya? Naku naman po, wala naman po sana. Sumakay na rin siya sa loob at agad naman itong pinaandar ng mabilis kaya napahawak ako sa may upuan. Ang sama talaga ng ugali nito, muntik na akong mapasubsob sa harapan ng sasakyan dahil sa ginawa niya. " Hoy! Saan mo ba kasi ako dadalhin? " sigaw na tanong ko sa kanya. Hindi man lang ako pinansin, tuloy pa rin siya sa pagmamaneho. " Siguro may binabalak ka sa akin no? Gusto mo siguro akong itapon sa malayong lugar at doon- " napahinto ako ng bigla siyang sumigaw. " Can you shut up! " sigaw niya " Sungit nito. " nakasimangot kung sabi. Tumahimik nalang ako at hindi na nagsalita pa baka kung ano pang gawin nito sa akin. * Kevin POV * " Can you shut up! " sigaw ko sa kanya. Nakakaireta na kasi tong babaeng to kanina pa nag-iingay. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung maingay lalo nat mainit ang ulo ko. Bakit ko ba kasi hinila ang babaeng to? Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko siyang hinila kanina. Ang alam ko lang nagdilim ang paningin ko dahil sa ginawa niya sa akin kanina. Sa buong buhay ko ngayon lang ako ginawan ng ganun at napahiya sa harapan niya. Pero sa kaingayan ng babaeng to nawala yung galit ko pero naiinis naman ako sa sobrang ingay niya. Mabuti naman tumahimik siya ng sigawan ko siya. " Driver ka ba? " napatingin ako sa rearview mirror ng sabihin niya yun. " What!? " inis kung sabi sa kanya. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip nito. " Ang sabi ko driver ka ba? " talagang inulit niya pa. " Why? " mahinahong tanong ko sa kanya. " Ikaw kasi ang driver ko ngayong gabi. " Agad akong napreno ng sabihin niya yun, mabuti nalang walang sasakyan ang nakasunod sa amin sa harapan. Inis naman akong bumaba ng sasakyan saka siyang galit na hinila papalabas ng sasakyan koh. " Alam mo kanina mo pa ako pinagloloko. Pinaglalaruan mo ba ako? " galit na sigaw ko sa kanya. Kung hindi lang toh, babae kanina ko pa toh sinaktan. Hidi niya ba kilala kung sino ang nasa harapan niya " Mukha ba akong naglalaro? " inis nitong sabi. Aba't siya pa ang may ganang mang-inis ngayon, siya yung maraming kasalanan sa akin ha. Unang araw palang nang pagkikita namin marami na siyang nagawang kalukuhan sa akin. " Totoo naman kasi ang sinabi ko sayo, ikaw yung naging driver ko kasi mukha ka naman talagang driver kung titingnan dahil sa likuran mo ako pinaupo. " Natahimik naman ako sa sinabi niya, bakit hindi ko yun naisip. Tsk naisahan niya tuloy ako. " Ano bang pakialam mo kung sa likuran kita pinaupo, bakit sayo ba yang sasakyan ha. " sabi ko naman sa kanya. " Hindi! " simple niyang sabi. " Hindi naman pala e, bakit- " hindi niya na ako pinatapos magsalita. " Eh kasi mukha kang driver. " sigaw niya sa akin " What! " Nakakainis na talaga ako sa babaeng tok.. pwede bang suntukin ko toh kahit isa lang para mapatahimik ko lang tong bibig niya. " Wooohh! may naligaw yata sa teritoryo natin. " Napatingin naman kaming dalawa sa taong nagsalita.Napamura ako ng makitang napakarami nila. Mukha palang alam mong may binabalak ng masama. At kami ang punterya nila ngayong gabi. " Magandang gabi po! " bati nitong tanga kung kasama. Nababaliw na ba siya? Talaga binati niya pa to na mukha namang may binabalak sa amin. " Anong ginagawa mo? " bulong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at bumulong din. " Kontrolin mo muna yang galit mo sa akin, may mga tarantado tayong kaharap oh. " bulong niya sa akin. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga tong babaeng to walang pakialam kung sino man ang nasa harapan niya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi man lang to natablahan ng charm namin, dahil yung mga babae na sa tuwing nakikita kami nakakandarapa na sa kilig. Napailing na lang ako sa sariling iniisip. At pumasok sa isip ko yung sinabi ni Kent, na hindi lahat ng babae napapatili sa tuwing makakita ng gwapo. " Anong binubulong niyo dyan! " sigaw nong malaking tiyan. Napahiwalay naman siya sa akin saka humarap don sa mga lalake. Tingnan nga natin kung ano ang gagawin mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD