Chapter 5

1117 Words
Dumeritso ako sa cafeteria pagkalabas ko ng room para kumain nagugutom na kasi ako. Pagpasok ko sa cafeteria agad na agaw ang atensyo ko ng mga taong nasa ginta na parang may pinaguguluhan. Hindi ko naman sila pinansin dahil baka madamay lang ako sa gulo nila. Dumeritso na ako sa counter saka umorder ng makakainng makuha ko na ang order ko umupo ako sa pinakasulok nitong cafeteria. Ayaw ko kasing maistorbo kapag kumakain na ako. Susubo na sana ako ng mapatigil ako ng marinig ko ang sigaw na yun. " Mahirap ka na nga napakabobo mo pa! Hindi ka nababagay sa eskwelahan na to! " rinig kung sigaw ng isang pamilyar na boses. " Bakit ikaw ba nababagay dito? Hindi nababagay ang mga malalanding babaeng tulad mo! " teka parang si- Napatayo ako sa kinauupuan ko at pumunta doon sa mga nagkukumpolang tao. Nagulat ako ng makita si Mela na gulong-gulo ang buhok at mukhang binuhusan pa ng juice ang damit nito, ang dumi niya tingnan sa ayos niya. Nagulat ako ng bigla siyang sinabutan nong maarteng babae na yun. " Walanghiya kang hampaslupa ka! " sigaw nito habang sinasabunutan si Mela. " Go! Sabelle! Paalisin mo na yan. " " Oo nga! Hindi siya nababagay dito. " sigaw nong mga nanunuod lang. Bigla namang uminit ang ulo ko sa pinagsasabi nila. Kagagaling ko lang sa pang-aasar kanina, ngayon naman inaaway nila ang kaibigan ko?! Napatingin ulit ako sa kanila ng makitang sinasabunutan din ni Mela yung Sabelle yata ang pangalan non, yun narinig ko eh. Pero hiniwakan nito ng dalawang kasama niya ang magkabilang kamay ni Mela kaya hindi na ito makapalag. " Anong karapatan mong saktan ako ha! " Sasampalin na sana nito si Mela pero mabilis akong pumunta sa harapan niya at hinawakan yung kamay niya bago pa ito masampal si Mela. " At ikaw! Anong karapatan mong saktan ang kaibigan ko. " malamig kung sabi sa kanya kaya medyo napaatras siya. Tsk! Wala pa akong ginawa takot na agad? Pano pa kaya kung may gawin ako sa kanya na hindi niya inaasahan baka hindi lang takot ang maramdaman niya. " Nicole! Huwag kang mangialam dito. " sabi ni Mela sa akin. Pabagsak kung binitawan ang kamay niya saka humarap ako kay Mela at ngumiti lang. Tiningnan ko naman ng masama yung dalawang babaeng humahawak sa kanya... Agad naman nitong binitawan ang kamay ni Mela at umalis sa likuran nito. " Talagang nga namang magkakampi ang mga hampaslupa. " napaharap ako ng marinig ang sinabi niya. " Hampaslupa? Kung ihampas ko kaya yung mukha mo sa lupa. Tutal para kanamang clown. " ngiti pang-asar na sabi ko sa kanya. Mas lalo akong napangiti ng makitang pulang-pula na yung mukha niya. Yung mga nanunuod sa amin napasinghap nalang sa sinabi ko, narinig ko pang pinipigilan ni Mela ang tawa niya. " How dare you! " sigaw niya sa akin. Sasampalin niya sana ako pero mabilis ko namang nahawakan yung kamay niya. Gusto niyang sampalin kanina si Mela tapos ako na naman ang isusunod niya? Hindi naman yata yun pwede no. " Don't you dare touch me! " malamig na sabi ko sa kanya. Natahimik naman ang lahat dahil lang don? Ano ba yan bakit sila natatakot wala pa nga akong ginagawa eh. Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa saka hinila si Mela papalayo don sa kanila. Hanggang sa makarating kami sa locker room. " May dala kang extrang damit? " tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. " O-oo. " " Magbihis kana hihintayin kita. " sabi ko saka tumingin sa kanya. Nagulat naman ako ng makita siyang tulala at parang takot na takot. " B-bakit ganyan ka makatingin? " tanong ko sa kanya. Iba kasi yung tingin niya eh, parang natatakot sa akin. " N-nakakatakot ka palang m-magalit. " nauutal niyang sabi. Napatawa naman ako ng malakas sa sinabi niya saka siya nilapitan. " Ano kaba! Acting ko lang yun kanina no, tinatakot ko lang sila. " natatawang sabi ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata niyang nakatingin sa akin, parang gulat na gulat sa sinabi koh. " You mean- " " Oo! Akalain ko bang matatakot sila sa ginawa ko. " sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya sa sinabi ko saka kumuha ng damit sa locker niya at nagpalit. Matapos niyang magpalit dumeritso na kami sa room at late na kaming dumating. " You're late. " mataray na sabi nong matandang prof. namin Nagsorry na lang kami sa kanya at pinapasok namin kami. Habang papunta ako sa upuan ko napatingin naman ako doon sa apat na lalake na ang sama ng tingin sa akin lalo na si Mr. Sungit. Nginitian ko lang sila na mapang-asar na ngiti saka umupo sa upuan ko. " Ouch! " sigaw ko ng mapaupo ako sa sahig. Kaya napatingin sa akin ang buong klase at tinawanan ako, tumayo naman ako at galit na humarap sa likuran koh. " Bakit mo yun ginawa! " galit na sigaw ko sa kanya. " What are you talking? " painosente niyang tanong sa akin. Magsasalita pa sana ako ng pumunta sa harapan namin si Prof. at parehong galit na nakatingin sa aming dalawa. " What are you doing Mr. Salvador and Ms. Perez. " pagdidiin na tanong sa amin ni Prof. " She's the one who start. " gulat akong napatingin sa hayop na yun ng tinuro niya ako at ang gago ngumisi lang sa akin. " Ms. Perez! " galit na tawag sa akin ni Ma'am. " Eh Ma'am siya po yung nagsimul, hinila niya po ang upuan na dapat sana uupo na ako kaya napaupo po ako sa sahig. " pageexplain ko kay Ma'am. Tiningnan naman nito yung hayop na yun. Ang ginawa niya lang naman sa akin e hinila yung upuan ko kaya sa sahig ako napaupo. Ang sakit kaya nh pwet ko non. " Mr. Salvador did you do- " hindi niya na pinatapos magsalita si Ma'am. " Yes Ma'am! " walang gana niyang sagot. Aba't ang hayop talagang umamin pa, hindi na nahiya. Galit akong napatingin sa kanya. " Kung hindi sana siya tatanga-tanga, hindi sana mangyayari yan sa kanya. " nakangiti nitong sabi habang nakatingin sa akin. Asar! Mapapatay ko tong lalake na toh, bwesit talaga siya. " Kung hindi ka sana malaking G*g*! Hindi sana to mangyayari sa akin. " asar na sabi ko sa kanya. " Ms. Perez! Watch your words. " mukhang galit na yata si Ma'am " Pero- Ma'am siya naman po ka- " " Get out! " bigla nitong sabi. " Po? " napatingin naman ako sa kanya. Ang sama namang ng tingin niya sa akin. Pero bakit ako lang hindi naman ako nagsimula ng gulo diba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD