" Introduce yourself. "
" Po? " gulat kung sabi.
" I said Introduce yourself." ulit niya pa.
" B-bakit po?! Kilala naman po nila ako ha! "
Natakot naman ako ng tiningnan niya ako ng masama.
" Sabi ko nga poh! "
Magsasalita na sana ako ng pigilan niya ako... Ano ba tong guro na toh hindi ko maintindihan.
" Introduce yourself to them. " sabay turo niya sa likod ko.
" Bakit po! Akala ko poh- " tumahimik nalang ako ng pinanlakihan ako ng mata nito.
Masungit na prof.
Tumalikod na ako at doon ko nakita yung apat na lalakeng nakatingin sa akin. Sila yung kanina na pinaguguluhan ng mga babae.
' Akala mo kung sino. '
" May sinasabi ka Ms. " sabi nong lalake kanina.
" May narinig kaba Mr. " pagsusungit ko sa kanya.
Napansin ko namang mukhang nagulat yung mga kasama niya..
" Oh! My! Ghad! Narinig mo yun, sinungitan niya si Prince Kevin. "
" Ang kapal ng mukha niya "
Bakit ba ang hilig nilang magbulongan na naririnig ko naman! Parang gusto ko tuloy tumawa sa sobrang OA nila! Sino ba kasi mga to at bakit ganun nalang makareact itong mga babaeng to.
" Ms. Perez. " rinig kung galit ng sigaw ni Ma'am
Napabuntong hininga nalang ako saka tumingin ulit sa kanila, nong tumingin ako sa kanila nakita kung nagsmirk yung lalake sa akin. Sinamaan ko nga ng tingin.
" Nicole Perez. " sabi ko nalang
Tatalikod na sana ako kaya lang pinigilan ako nong isa niyang kasama.
" Henry, Ms. Beautiful. " sabi nito.
Tiningnan ko lang siya saka sinabing..
" Nicole, Mr. Playboy. " asar na sabi ko sa kanya.
Gusto ko sanang tumawa ng biglang sumimangot yung mukha niya. Kaya lang baka madagdagan na naman ang kasalanan ko, kaya ngumiti nalang ako saka umupo ulit. Rinig ko namang tumatawa yung mga kasama niya at inaasar siya. Halata naman sa kanya na babaero siya, mukha palang alam na.
Nang breaktime na namin hindi na ako lumabas ng roo, hindi naman ako nagugutom at isa pa inaantok na talaga ako.
Kung pwede lang umabsent, aabsent talaga ako kaya lang hindi pwede. Nakakahiya naman na bagong pasok ko palang absent na agad ako. Naramdaman ko namang may tao sa likuran ko kaya napatingin ako don. Napataas ang kilay ko ng makita yung apat na lalake na yun.
" What?!" sabi nong sungit.
Maasar nga to, pakiramdam ko kasi madali tong mapikon. At isa pa para mawala rin ang antok ko.
" I have a quetion. " sabi ko
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.. mukhang hindi nito inaasahan na magtatanong ako sa kanya.
" Ano sa English ang Ano? " tanong ko sa kanya. Siguradong matutuwa talaga ako nito.
" What! "
" Ang sabi ko ano sa english ang Ano. "
" What! "
Gusto ko na talagang tumawa ng malakas pero kailangan pigilan. Yung mga kasama niya naman eh nagpipigil rin ng tawa, para kasing tanga.
" Ano sa English ang Ano? " ulit ko pa.
" What! "
" Ano sa- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit na siya.
" Pinagloloko mo ba ako? " seryuso nitong sabi.
" Hahahahahahahahahaha! " Tawa ko, sumabay na rin yung mga kaibigan niya sa akin sa kakatawa.
Sumakit na yung tiyan ko sa kakatawa, parang tanga kasi eh. Pwede namang hindi siya sumagot sa tanong ko, nagmukha tuloy siyang tanga. Tawa parin kami ng tawa yung mga kaklase namin parang gusto na rin tumawa kaya lang mukhang natakot sila sa kanya.
" Shut up! " rinig kung sabi niya.
Hindi namin siya pinansin tawa parin kami ng tawa, naiiyak na nga ako sa kakatawa eh, yung mukha niya kasi parang ewan hindi maipinta.
" I said, SHUT UP!!! "
Napatigil kami ng bigla siyang sumigaw. Ang sungit naman nito hindi man lang makisabay sa tawa namin. Napalunok ako ng sobrang sama ng tingin niya sa akin.
" You! " sabay turo niya sa akin, nakatingin parin ako sa kanya.
" Ano sa tingin mo ang ginawa mo! " masungit nitong sabi.
" Tumatawa. " simple kung sagot sa kanya.
Tatawa ulit sana yung mga kasama niya kaya lang sinamaan niya iyo ng tingin.
" Kilala mo ba kami? "
Nagtataka naman ako sa bigla niyang pagtanong. Napatingin naman ako sa mga kasama niya na mukhang hinihintay nila ang sagot ko.
Napangiti ako ng palihim.
" Oo. " sagot ko naman.
Nakita kung napangiti silang tatlo, pero siya, wala paring pinagbago yung mukha niya.
Akala nila tapos na ako, pero may kasunod pa ako.
" Ikaw! " sabay turo ko don sa katabi niya. Ikaw si Mr. Playboy. " Mr. Serious. " sabay turo ko don sa katabi niya at tinuro ko naman yung isa. " Ikaw naman si Mr. Smiley. At Ikaw! Ikaw si Mr. SUNGIT! " sigaw ko saka tumakbo ng room, mahirap na baka ano pa ang mangyari sa akin don.
* Kevin POV *
" What the- "
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumakbo papalabas ng room. Hindi ko akalain na yun ang sasabihin niya sa amin.. akala ko talaga kilala niya kami.
" Sino ba yun? " tanong ni Niko.
" S-siya yung bagong transfere. " napatingin kami lahat kay Henry.
" Bakit hindi no sinabi! " -Kent
" Nagtanong ba kayo? "
" Kaya pala ganun nalang siya kung makipag-usap sa atin. " sabi ko naman.
Unang araw palang ng pagkikita natin bwenisit muna ako.Humanda ka sa akin makakaganti rin ako sayo.
" Pero bakit ganun! Hindi man lang tumalab yung charm ko sa kanya? " nagtatakang sabi ni Henry
" Sabi ko naman sa inyo, hindi lahat ng babae katulad ng mga naghahabol sa atin. " -Kent
Tama nga si Henry, bakit hindi man lang siya kinilig o nagpacute sa harap namin? Baka tama nga ang sinabi ni Kent, hindi lahat ng babae ganun.
Pero naiinis parin ako, ngayon lang ako ginanun sa buong buhay ko. Ngayon lang ako ginawan ng kalukuhan sa harap ng mga kaklase namin at pinahiya! At isa pa anong tawag niya sa amin.. Sungit. Playboy. Serious at Smiley?
Lagot ka talaga sa akin babae ka. Mahirap ka na nga papahirapan pa kita ng husto.