Chapter 3

1106 Words
* Kevin POV * Nandito kami ngayon sa bar kasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi kami umiinom dahil may pasok pa kami, pangpalipas oras lang kaya kami nandito. Masyado pa kasing maaga para pumasok at isa pa walang naman silang magagawa kung malate kami. " Narinig niyo ba yung balita kahapon. " sabi ni Niko sa amin. " Ang alin yung bagong transferre? " sabi ko naman na ikinatango niya. " Naging usap-usapan siya kahapon, hindi nga nila alam kung mahirap ba o mayaman. Pero nong sinabi ni Sabelle na mahirap siya doon na nalaman ng lahat. " sabi naman ni Kent " Pero p*cha nandon ako kahapon. Kung hindi niyo matanong, sobrang ganda at ang seksi niya. Mas seksi pa siya kay Sabelle. " sabi ni Henry Binatukan ko nga! Umaandar naman ang kamanyakan niya, babaero kasi at marami ng babaeng pinaiyak. " Meron na namang madadagdag sa mga fans na nagkarandapa sa kagwapohan natin. " mayabang na sabi ni Niko. Napangiti nalang ako at napapailing nalang ako. Halos kasingn mga babae sa school ay naghahabol sa amin. Hindi ko nga alam kung patay na patay sila sa amin. " Lahat naman ng mga babae madaling makuha, kunting sweet niyo lang sa kanila bibigay na agad. " sabi ko sa kanila " Hindi lahat ng babae, Kevin " diing sabi ni Kent. Nasabi niya lang yanb kasi siya lang ang may girlfriend sa amin. Matagal na nga sila ng girlfriend niya 2 years na yata. Kulang na lang magpakasal silang dalawa. Parang ayaw maghiwalay sa isat-isa. " Bastos ka! Girlfriend ko yang nilalandi mo. " napatingin ako sa taong sumigaw. Napailing nalang kaming tatlo, ito kasing si Henry may bago na namang nilalandi. " Wooh...Relax lang Pre! Yung girlfriend mo ang sisihin mo, siya yung nakikipaglandi sa akin eh. Kaya kung ako sayo bantayan mo yang girlfriend mo, para hindi ma- " bago matapos ang sasabihin ni Henry sinuntok na siya nito. " G*g* talaga! " sabi ni Niko saka tumayo. " Sinabi mo pa! " sabay naming sabi ni Kent at tumayo na rin. Nagkagulo na kaya kailangan na naming mangialam, marami kasama ang isang yun at mahirap baka mapuruhan si Henry.Nakisali na rin kami sa gulo, at akala mo kung sinong umasta ang daling namang patumbahin ng mga gago. Ni hindi nga sila nakaiwas sa mga tira namin sa kanila. " Mga gonggong! Kilalanin niyo muna ang kakalabanin niyo. " sigaw ni Henry sa kanila. " At ikaw! Kilalanin mo rin ang nilalandi mo. " sabay batok ko sa kanya. " Kevin naman! Nakakailan na kayo ha! " singhal niya sa akin. " Gusto mo dagdagan ko pa. " asar na sabi ko sa kanya. Nakunot naman ang noo ko sa pagsimangot niya, kaya minsan napagkakaalaman namin tong bakla sa inaasta niya. Napagdesisyonan naming apat na pumasok na, hindi na namin kailangan pang magstay don dahil wala naman kaming gagawin pa don, magulo na yung bar e. Pagdating namin sa school wala paring pinagbago, pinaguguluhan parin kami ng mga babae. " Waaaahhh...Niko my loves!!! " " Kent! Ang gwapo mo talaga!!! " " Henry, be my boyfriend " " Kevin marry me!!! " Sigaw nong mga babae, yung tatlong lalake naman kaway lang ng kaway at pangiti-ngiti. Tsk! Kaya ayaw kung pumasok ng maaga, maraming nag-iingay tuwing nakikita kami. Mga babaeng walang ginawa kundi sumigaw sa tuwing makikita kami. Habang naglalakad kami may isang babae ang nakakuha ng atensyon ko at ngayon lang ulit to nangyari sa akin. Tinitigan ko siyang mabuti, nakunot yung noo niya at parang naiingayan sa mga babae. Nagulat ako ng mapatingin siya sa deriksyon ko, nagtama yung mga mata namin. Akala ko nong una ngingiti siya ng makita ako o hindi kaya magpapacute siya sa akin. Pero nagkamali ako, nakasimangot yung mukha niya saka lumakad papalayo. Napapailing at napangisi nalang ako sa ginawa niya. " Hoy! Bakit ka nakangiti mag-isa dyan. " napatingin ako kay Niko " Nothing! " sabi ko nalang. " Nothing? Baka may nakita kang magandang babae no! " panunukso sa akin ni Henry. " Shut up! Henry! Kung ayaw mong mabatukan ulit. " banta ko sa kanya. " Sungit. " Naglakad lang kaming apat, hanggang sa makarating kami sa classroom. Mabuti wala pa yung prof namin. Papunta na kami sa upuan ng mapansin kung may natutulog sa unahan namin. Nasa likod niya kasi kami nakaupo, ako yung malapit sa bintana at katabi ko naman si Henry kasunod niya naman si Niko tapos si Kent. Umupo ako doon habang hinihintay yung prof namin tapos yung tatlo may kanya-kanyang ginagawa. * Nicole POV * Pagpasok ko sa loob ng campus bigla akong napatakip ng tenga dahil sa sobrang ingay. Nakakainis naman ng mga babaeng to ang aga-aga nag-iingay na. Hindi ba nila alam na kulang ako sa tulog at kapag kulang ako sa tulog mainit yung ulo koh. Napatingin naman ako kung ano yung pinaguguluhan nila, mukhang yung apat na lalake na mukhang bagong dating lang din. Sila lang kasi yung kumakaway. Bakit sila pinaguguluhan dito? Mga sikat ba sila dito sa campus. Napahinto ako at napatingin sa kanila, nagtama yung mata namin nong isang lalake, tiningnan ko lang siya sandali saka lumakad ulit. Pagpasok ko sa loob ng room nandun na rin yung mga klase namin, napansin ko namang wala si Mela, late na siguro yun dumating. Pumunta nalang ako sa upuan ko at umupo. Wala pa naman yung prof.namin kaya iidlip muna ako sandali. Kulang talaga kasi ang tulog ko, napagod kasi ako kagabi. Yumuko ako at sinimulan ng pumikit, hindi pa man ako nakaidlip ng naramdaman ko namang nagtitili naman yung mga kaklase kung babae. Hindi ko na sila pinansin at ganun parin ang posesyon ko habang nakapikit, kailangan ko talaga ng tulog ngayon. Naramdaman kung may tao sa likuran ko, bakante kasi yun kahapon kaya baka absent lang sila kahapon at ngayon lang pumasok. Huwag ko na nga yun pansinin, makatulog na nga lang habang hindi pa dumating yung prof. namin. " Ms. Perez. " " Hmm... " " Ms. PEREZ! " Napatayo ako ng wala sa oras ng marinig ko yung sinigaw ang apelyido ko. Napatingin ako sa harapan at doon ko nakita ang prof. namin na masama ang tingin sa akin. Lagot ako nito! " Y-Yes Ma'am! " napahiyang sabi koh. " Are you sleeping to my class? " galit niyang tanong sa akin. " Yes, I mean-No Ma'am! " Ang sama talaga ng tingin niya sa akin, yung mga kaklase ko naman nagpipigil ng tawa. 'Ang tanga mo talaga Nicole, pangalawang araw mo lang dito marami ka nang ginawang kalokuhan' Lagot ako nito kina kuya pagnalaman nila to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD