Alam kung kahit ano pang lihim o sekreto ang tinatago mo. Mabubunyag at mabubunyag ito. Sabi nga nila, walang sekretong hindi nabubunyag. Ngayon na bang malaman ng lahat ang sekreto ko? Kung sino ba talaga ang isang Nicole Perez? Alam kung may nabubuo ng salita sa kanilang isipan, pagkakita palang ng litrato na yun. Na akala nila ang isang Nicole Perez ay isang malanding babae na mukhang pera. Higit sa lahat pumapatol sa kahit sinong lalake? Pero alam ko! Alam ko na mali lahat ng iniisip nila. Dahil hindi pa nila ako kilalang lubusan, hindi pa nila kilala ang totoong Nicole. " It's true? " biglang tanong sa akin ni Kevin. Nasa akin lang ang tingin niya. Nakikita ko sa mga mata niya na sana hindi totoo ang lahat ng ito. Na sana gawa-gawa lang ito ni Sabrina. Pero balik-baliktarin mo

