* Mike POV * Nagmamadali akong lumabas ng studio ng tumawag sa akin si Kuya Michael na pupunta kami sa school ni Mayumi dahil may masamang nangyari daw dito. Hindi pa sinasabi sa akin ni Kuya Michael na kung ano talaga ang nangyari sa kapatid namin. Pero mukhang alam kuna kung ano talaga ang dahilan ng pagpunta namin doon. Malapit na ako sa school ng makita ko ang sasakyan ni Kuya Michael na kakadating lang din. Halos magkasabay na kaming nakadating dito. Lumabas na ako sa sasakyan ko at ganun din si Kuya. " Kuya! " tawag ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako sa sandali saka pumasok na sa loob ng campus. Sumunod naman ako sa kanya, pagpasok sa loob. Pagpasok namin sa loob agad naman kaming sinalubong ni Emily, ang secretary ni Kuya. " Sir! " tawag niya. " Nasan siya? " seryusong

