Sa mga ganitong pagkakataon, madalas ay nagpupunta ako sa bar para mag-liwaliw. Kagaya nga ng sinabi ko, pakiramdam ko ay buhay ako sa lugar na iyon. Bukod sa nakukuha ko ang atensyon nila, I can do whatever I want on that place. Gusto ko ulit pumunta sa ganoong lugar para maramdam ko ulit ang ganoong buhay pero alam ko na it will never be the same. Wala akong maaalalang iba sa lugar na iyon kung hindi si Dan lang. Which why I am questioning myself right now. Sa halip na nagsasaya ako sa bar ngayon ay nandito ako sa bahay, nanonood ng random romantic movie at umiinom mag-isa. Hindi pala ako nanonood. Binuksan ko lang ito para maingay. Nakakalungkot ang katahimikan. Marco is texting and calling me pero wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Ayaw kong mag-isip ng kahit ano.

