Rest day namin kaya pumunta si Marco sa bahay para sabayan kaming mag-dinner. Madaming beses na siya na-meet ni Mama Fe kaya sanay na ito na dumadaan o dumadalaw si Marco. Wala naman siyang sinasabi tungkol sa panliligaw ni Marco sa’kin. Gusto ko sanang itanong sa kanya pero baka hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong sa kanya ang tungkol kay Papa. “Good evening po.” “Marco, bakit nandito ka?” tanong ni Mama Fe kaya tiningnan ako ni Marco na parang nang-hihingi ng tulong. “Biro lang! Kumain na tayo.” Sadyang mapagbiro si Mama Fe sa mga nanliligaw sa’kin kasi may ibang umaatras sa ginagawa niya. Hindi niya kaagad binibigyan ng warm welcome para malaman niya kung tatagal ang mga ito. Tahimik lang si Mama Fe habang kumakain kami kaya napapa-isip ako kung tungkol kay Papa ang i

