Sobrang busy ang lahat sa pagbabalik ni Sir Jeth. Ngayon nga ay nagkakagulo kami sa office dahil kung madalas ay nasusungitan kami ni Ma’am Vhynne, triple ang pagiging masungit at pagka-istrikto ni Sir Jeth ayon sa mga naririnig ko. Nakikita ko palang ang pagkataranta ng mga tao sa opisina ay kinakabahan na ako. Hindi ko pa siya nakikita nang personal, dapat na rin ba akong kabahan? Excited nga ako na makita siya pero baka magbago ang lahat ng iyon dahil sa pagkakagulo nilang lahat. Next week pa kasi ang schedule ng pagbabalik ni Sir Jeth pero napa-aga ito ng isang linggo kaya karamihan sa kanila ay hindi pa handa. Sinilip ko ang opisina ni Ma’am Vhynne, nakita kong naglalakad siya pabalik-balik at parang malalim ang iniisip niya. Hmm, ako lang yata ang nag-rerelax? Bakit parang k

