Ngayon lang ang schedule namin na kumpleto ang barkada. Originally, silang tatlong lalaki lang ang magkakaibigan—Kiel, Dan at Angelo. Since the day Dan introduced me to his friends as his girlfriend, naging magkakaibigan na kami kahit na noon pa lang ay aso’t-pusa na si Kiel at Renren dahil palagi kong isinasama si Renren kapag isinasama ako ni Dan sa gala nilang magkakaibigan. Syempre, ayaw naman ni Angelo na wala siyang nakaka-usap kaya isinasama na rin niya si Nica, his girlfriend. At dahil kilala naman nila si Kianna na kaibigan namin at kapatid ni Kiel, isinasama na rin namin siya kapag umaalis kami. Ang kinaibahan lang ngayon ay kasama na rin niya ang boyfriend nitong si Peter. Present kaming lahat – Dan, Renren, Kiel, Angelo, Nica, Kianna at Peter. Technically, four pairs kami b

