Busy ako sa pagta-type at pagtingin sa mga papel na nasa harapan ko noong lumapit si Marco. “Kelly, lunch time na, bakit hindi ka pa kumakain?” pagtatanong ni Marco pagkatapos maglagay ng pagkain sa table ko. Kanina pa siya pabalik-balik para sabihang kumain na ako. Hindi ko kasi maiwan ang tinatapos ko dahil marami pa akong aasikasuhin mamaya. Hindi pa naman ako nagugutom kaya tinapos ko lang talaga ang isang ito. “What’s this?” I asked. “Food?” mapang-asar na sagot pa niya. Alam ko naman na pagkain ang inilapag niya sa table ko. Napapadalas ang paglibre niya sa’kin pati na rin ang pagsabay nitong kumain. “Yes, I know. Bakit mo ako binibigyan? Tsaka ang dami naman yata nito? May sweldo ka na ‘no?” pagbibiro ko pa sa kanya. Sobrang generous kasi niya sa’ming lahat. Madalas

