"Ano ba'ng problema kung mag-kiss kayo, Kelly? Nag-made love nga kayo, hindi ka nagkaganiyan samantalang kiss lang ay nagwawala ka na agad? Take note lang naman ha, muntik lang iyon, Kelly! Napaka-arte mo," sermon ng kaibigan kong si Renren dahil kanina pa ako hindi matahimik! Pinuntahan niya ako sa office kanina at sabay kaming lumabas para mag-lunch. Ang mga kaibigan ko kasi ay ibang department at ibang oras ang lunch time kaya hindi ko nakakasabay. Karamihan sa kanila ay uwian ko na nakaka-usap. May point naman siya, feeling virgin naman ako ngayon 'no? Bakit ba? Ibig sabihin ng muntikang pagpayag kong halikan niya ako ay mahal ko pa rin siya! Hindi siya pwedeng magkaroon ng ganoong ideya! But damn, I hugged him! "Mahal mo pa rin naman siya. Ewan ko ba naman sa'yo. Wala naman ako

