Nandito na ako sa work ko ngayon. Yes, pagkatapos ng ilang interview at rejection ay may tumanggap din sa'kin. Maayos naman ang trabaho, mayroon lang talagang toxic na workmates. Kahit saan naman yata 'no? Kagaya ngayon, wala akong kasabay sa lunch dahil ayaw nila sa'kin, not all but most of them. Hindi naman nila iyon itinatago sa'kin. Ang nakakainis lang ay naririnig ko pa na nagbubulungan sila. Ang lakas maka-college days kagaya ng nangyari sa’min ni Renren ha? Dumaan ako sa table ni Ate Precy, siya ang nagtuturo sa’kin, pero busy pa siya kaya sinabihan niya akong mauna na sa pagkain. Ang lakas talaga nilang mag-usap. Gusto ko sanang umorder nalang at bumalik sa table ko para kumain pero tinamad akong bumalik kaagad sa office kaya sa pantry ako nag-stay. Aware ako na pinag-uusapan

