Paglabas ko sa kwarto ay nakita kong doon na pala natulog si Dan sa labas mismo ng kwarto namin, inilabas lang niya ang foam at doon nahiga. Gigisingin ko sana siya pero mukhang tulog na tulog pa kaya naman tumabi ako sa kanya. Maya maya ay nagising na siya na kaagad naman akong niyakap at hinalikan sa ulo. “Good morning, Babe,” I whispered while giving him little kisses on his neck, he immediately opened his eyes to look at me. “Sino ka? Nasaan ang asawa ko?” he joked. “Pagkatapos mo akong palabasin sa kwarto natin, bigla kang magiging sweet? Where can I find the justice on that situation?” he added since it was the first time that I called him with our endearment and there’s a sweetness on my tone. As far as I can remember, I shouted at him all the time. Nanaginip ako kanina na nag-uu

