Late na umuwi si Dan ngayon dahil sa dami ng trabaho niya. Pagkatapos naming kumain ay humiga na kami para manood ng movie na gusto niya. Nakahiga ako sa braso niya dahil gustong-gusto ko ang posisyon na iyon kahit madalas ay nagrereklamo siya dahil bumibigat na rin ako. Lately, hindi siya nagrereklamo sa kahit anong request ko sa kanya lalo na noong sinabi ng doktor na bawal akong ma-stress lalo na’t may history ako ng miscarriage. Na-appreciate ko siya sa mga ginagawa niya para sa’kin at sa magiging pamilya namin. Kahit na pangalawang beses na ako nabuntis, kung minsan lang hindi pa rin ako makapaniwala na may bata sa tiyan ko. Masaya ako na kasama ko si Dan sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Bahagyang gumalaw si Dan hinawakan niya ang baba ko para i-angat iyon. Nang makita niyang may

