03

1952 Words
I don't really understand him. Sobrang gulo ng ikinikilos niya ngayon. Noong isang araw sinabi niyang biggest disappointment ako sa buhay niya, tapos namimiss niya ako tapos ngayon naman masyadong mainit ang ulo sa'kin. Saan ba ako lulugar sa'yo, Dan? Napakagulo mong tao! Napapitlag ako noong lumapit siya sa'kin. Nakatayo ako sa kusina at nasa likuran ko siya. Niyayakap niya ako habang nakatalikod ako hanggang sa naramdaman ko nalang na hinahawakan niya ang baby bump ko. Maya maya ay naramdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg kaya umiwas ako. "Dan, ano ba?" "Bakit? This is what you want, right?" he asked while still doing it. Ano'ng ibig niya sabihin na ito ang gusto ko? Humarap ako sa kanya at umaatras hanggang sa wala na akong maatrasan pa. Hindi ko siya maintindihan. Nakikita ko sa mga mata niya na galit siya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang ipinagbabawal niya kaya wala siyang dapat ikagalit sa'kin. At sa tingin ko ay hindi siya naka-inom ngayon. "Hindi mo ba ako namimiss?" pagtatanong niya sa'kin habang hinahawakan ang shoulder ko. Is he seducing me? Nakakalimutan ba niyang buntis ako? Hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko at umalis para maupo sa sofa namin. Naiinis na ako sa kanya! Naramdaman ko nalang na tumabi siya sa'kin at hinahalikan ako. At first, it was my love's kiss pero naramdaman ko nalang na nagiging agresibo na ang bawat halik niya hanggang sa napahiga nalang ako sa sofa at unti-unti na siyang pumatong sa'kin. "Dan, can you stop?" I pleaded. "Why?" he asked but still kissing me. I think he is enjoying this. Kaya ba siya mabait sa'kin for the past few days kasi gusto niyang makipag-s*x? So, I give-up. Hindi ko na siya pinigilan. Naramdaman niyang hindi ako kumikilos kaya naramdaman kong tinitingnan niya ako. Mariin lang na nakapikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano’ng ikinagagalit niya at ayaw kong makita ang mukha niya na ganoon ang ginagawa. Ayoko ng mga mata niya ngayon. Punung-puno ng galit. "What are you doing?" pagtatanong niya na galit na ang tono ng boses. Dumilat ako. Nararamdaman kong tutulo ang luha ko anytime soon. Ayokong mangyari iyon. Ayokong makita niya akong ganoon. Hindi niya kilala ang ganoong side ko at wala akong balak na ipakita sa kanya ang kahinaan ko. "Ako nga dapat ang nagtatanong sa'yo... what are you doing?" "Bakit ka nakapikit? Kasi hindi ako ang gusto mong makita habang ginagawa iyan sa'yo?" he said again and to my surprised… he smiles. Iyong ngiti niya na halatang naiinis na siya sa'kin. Saan ba nanggagaling ang mga tanong niya? "Dan, hindi kita maintindihan." Hahalikan sana ulit niya ako pero umiwas ako. Inaalala ko rin na baka hindi niya makontrol ang weight niya at mabigatan ang baby namin. He smirks at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "See? Ayaw mong magpahalik sa'kin ngayon? Dahil kanino? May iba ka na ba?" Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa'kin. "Ipapaalala ko lang na hiwalay na tayo. Wala kana dapat pakialam kung mayroon man akong dine-date 'di ba?" "So totoo nga? At ano, pagmumukhain mo akong tanga? Sino? Sino ang lalaki mo?" Talagang nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Mas mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa'kin ngayon kaysa sa pagkakahawak niya noong nandoon kami sa party ng parents niya. Hindi niya yata naintindihan ang sinabi kong iiwanan ko talaga siya kapag naulit iyon. "Wala akong lalaki. Sa tingin mo may papayag na makipagdate sa'kin kung lumolobo na ang tiyan ko? Bitiwan mo na ako. Nasasaktan na ako." Physically and emotionally. Mahinahon akong nakikipag-usap sa kanya kasi ayoko siya iwanan. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa. He tried to kiss me again pero pilit akong umiiwas. How can you do this to me, Dan? How can you do this to us? What happened to us? Noong tuluyan na siyang nainis sa pag-iwas ko ay tumayo na siya at lahat ng gamit na pwede niya suntukin ay nasuntok na niya because of his frustration. Narinig kong isinarado niya ng malakas ang pinto ng kwarto niya. Hinawakan ko lang ang tiyan ko at umakyat na sa kwarto ko. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko. "It's okay, Kelly. Breathe in, breathe out. You got this. For your baby."   HINDI AKO LUMALABAS NG kwarto ko kapag nararamdaman kong nandoon si Dan. Ayokong makita siya ngayon. Hindi ko na nga siya kilala. Masyado na siyang binago ng galit niya sa'kin na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling. Naramdaman kong tahimik na sa labas kaya lumabas ako. Hindi ko inaasahan na nakatayo si Dan sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko lang siya pero hindi ko siya pinansin. Bigla nalang niya akong niyakap. "Nandito sila Mommy. Alam mo na ang gagawin mo," bulong pa niya sa'kin. Bakit naman ngayon pa sila dumalaw sa'min? Inaalalayan niya akong bumaba. Nakakasuka na ang ginagawa niya sa'kin. Siguro ay kailangan ko na talagang umalis bago pa tuluyang mawala ang kaunting respeto na natitira niya para sa'kin. Hahanap lang ako ng timing sa pag-alis, bibigyan ko pa siya ng isa pang pagkakataon. Baka may kaunting pag-asa pang natitira para sa'ming dalawa. As I was saying, inalalayan niya ako sa pagbaba at kitang-kita ko naman sa mukha ni Mommy at Daddy (Dan's parents) na kinikilig sila sa ginagawa ni Dan. I hope everything is true. Nang makalapit ako sa kanila ay niyakap ko sila nang mahigpit. Baka ito na rin ang huling beses na mayayakap ko sila. Gusto ko pa talaga sanang kumapit pero parang si Dan na ang tuluyang bumitaw sa'ming dalawa. Ang tanging pumipigil nalang sa'kin ay ang pagmamahal ko sa kanya at ang magiging anak namin. "Ang sweet mo naman, Kelly. Kumusta na kayo ng apo ko? Inaalagaan ba kayo ni Dan?" pagtatanong ni Mommy noong kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sabihin mo lang sa'kin kapag pinababayaan ka niya ha? Ibabalik ka namin kay Felicity kung hindi tama ang pag-trato ng anak naming sa’yo." Ito na ba ang sign na hihihingi ko? Dapat na ba akong bumalik kay Mama Fe? "Si Mommy talaga," sabi ko nalang sa kanya. "Pasensya na po kung naghintay kayo sa'kin. Lately po kasi ay tanghali na talaga ako nagigising," pagsisinungaling ko pa sa kanila. "Wala iyon, Kelly. Basta mag-iingat ka. Nabanggit ni Kianna na dumadalas ang pagsakit ng tiyan mo. Doble ingat ka dapat, medyo maselan ang pagbubuntis mo." Nasumbong na pala iyon ni Kianna. Si Kianna ang kaibigan namin ni Renren na kahit dalaga na ay baby pa rin ang tingin namin sa kanya. She's so genuine and cute kasi. Nagkataon lang na kapatid siya ni Kiel na kaibigan naman ni Dan at malapit din siya sa mga magulang ni Dan. Anyways, Kiel is Renren's suitor. Naging sila na noon pero hindi ko alam kung sila na ba ulit ngayon. Palaging sinasabi ni Renren na hindi pa kahit madalas naman silang magkasama na parang hindi na mapaghiwalay. Basta ang alam at nakikita ko, mahal nila ang isa't-isa. Hindi ko rin naman sinasabi kay Dan kapag may nararamdaman ako kasi ang sasabihin lang niya sa'kin ay tawagan ko si Renren para samahan akong magpacheck-up. Useless kung tatawagan ko pa siya kaya dumidiretso na ako kay Renren at isinasama niya si Kianna. "Stress ka ba sa bahay kapag mag-isa? Gusto mo bang sa'min ka muna? Or kay Felicity? Para at least may kasama ka kapag nasa trabaho si Dan." Halatang nag-aalala rin si Daddy. Kulang sa ganiyan si Dan. Ngayon ko napapatunayan na napaka-selfish niya. "Mommy, Daddy, okay lang po ako. Normal naman daw po iyong nararamdaman ko sa isang buntis na kagaya ko. Huwag po kayong mag-alala. Nandito naman po si Dan." Nandito naman po si Dan para iparamdam sa'kin na isang malaking disappointment ako sa buhay niya. Gusto ko sana 'yan sabihin pero hindi ko naman kaya. "Basta mag-iingat ka ha? Mag-iingat kayo." "Opo, Mommy." Nagkwentuhan pa kami saglit at umalis na rin sila. May meeting sila na malapit dito kaya nagdesisyon silang dumalaw na sa'min. Pagkaalis na pagkaalis nila ay naghiwalay kami ni Dan. "Bakit hindi mo sinasabi sa'kin na may sumasakit sa'yo? Pinagmumukha mo akong tanga sa harap ng mga magulang ko." Ano ba'ng bago? Galit na naman siya sa’kin. Gusto ko talagang itanong kung bakit. Kung bakit bigla siyang nagbago at kung bakit nagagalit siya sa'kin? Mayroon ba akong nagawa para saktan siya? "Nakalimutan mo na bang sinasabi ko lahat sa'yo? Ano'ng isinasagot mo sa'kin? Hindi ba ipapasa mo lang ako sa iba? Ipapasa mo ako sa taong may pakialam sa'kin?" Siguro dapat maglakas ng loob na rin akong sabihin sa kanya na aalis na ako rito. Kasi hindi na ako masaya. Hindi na kami masaya. Wala nang kwenta ang pagsasama naming dalawa. "Dan, bakit ba? Bakit ka ba nagbago sa'kin? Bakit ka nagagalit? Nasira ko ba ang buhay mo? Sabihin mo sa'kin para alam ko kung saan ako lulugar! Sabihin mo para alam ko kung may lugar pa ako sa buhay mo!" "Hindi mo talaga alam? Hindi mo alam?!" Galit na talaga siya. Kailangan kong malaman kung ano ang iniisip niya! "You had s*x with someone else noong naghiwalay tayo! And now, he is claiming that baby! Sinasabi niya na hindi ko iyan anak! Paano ko sasabihin sa mga magulang ko na hindi ko talaga iyan anak? Magmumukha akong gago sa paningin nilang lahat! Hindi lang ako ang ginagago mo, Kelly! Buong pamilya ko! Hindi ako nakikinig sa iba kapag sinasabi nila na naka-s*x kana nila kasi wala naman akong pakialam sa past mo! Mahal kita kahit ano pa'ng pinagdaanan mo! Pero para sabihin na anak ko iyan? Hindi ako makapaniwala na naniwala kaagad ako sa'yo! Kaya naman pala gusto mong nag-sesex tayo noong nagkabalikan tayo kasi alam mong buntis kana!" Right at that moment, gusto ko na siyang iwanan. I don't care if all people judged me! Pero para maniwala siya sa mga ganoong bagay? Sobrang sakit. Kaya hindi ako nagseseryoso noon sa iba kong naka-relasyon ay dahil ayaw kong makaramdam ng ganitong sakit. Well, yes! I had s*x with one of my exes noong naghiwalay kami! Pero isang beses lang iyon and wala naman kami ni Dan! He took advantage of me! That is the reason kung bakit ayaw kong makita ang mukha ni Dan noong isang araw kasi naaalala ko ang kahayupan ng lalaking iyon! Alam kong it's my fault kasi pumayag ako! Pero hindi ko alam na dahil sa pangyayaring iyon ay maaalala ko ang nakaraan! Iyon din ang dahilan kung bakit gusto ko na ginagawa namin iyon ni Dan. It's because he gave me assurance. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng assurance at halaga. Gusto kong burahin lahat ng masasamang ala-ala na alam kong si Dan lang ang makakapagbura ng mga iyon. I wanted to say all of that. I wanted to answer him with my explanation. But he is sure about his words… that this baby is not his baby. May sasakit pa ba sa ganoon? Nanggaling pa ang mga salitang iyon sa taong mahal mo. He laughs. I hate that kind of laugh. "See? I knew everything! I also have proofs in case you forget that night. Napaka-selfish mo, Kelly!" buong pagmamalaki pa niyang isinigaw na alam niya ang lahat. Sa tingin niya ba talaga ay alam niya? "Na-naniniwala ka sa lahat ng sinasabi niya?" Aware ako na may pictures o videos si Oscar noong gabing iyon. Hindi ko alam na may plano siyang ganito. Gusto niya akong balikan pero hindi na ako pumayag. Sinabi ko naman sa kanya na mahal na mahal ko si Dan. Siya lang ang naisip ko na pwedeng gumawa nito. It's all my fault. Because of that night, nagbago si Dan. Because of one wrong decision. "Yes." I can bear all of that except for the truth that he judged me already. I can't even speak. I can't stand for myself. I can't explain. I can't say anything! "You want to leave? Go! Do whatever you want!" Nilapitan ko siya. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Hindi ako makapag-explain sa kanya. "Dan..." Ito lang ang nasabi ko bago niya ako tuluyang iwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD