02

1497 Words
Nandito na kami sa bahay na tinitirahan namin and we're back to normal. Akala ko totoong nagselos siya kay Joe, pinaka-matinong ex-boyfriend ko. Akala ko totoo ang ipinakita niya sa parents niya. I thought he really cares for me. But that's not the case. We only live together just because I am carrying his baby. That's it. Inaabangan ng lahat. Unang apo. So, we need to act in love in front of his family kasi ayaw niyang ma-disappoint ang parents niya. I wanted to cry but I'm not the crying kind. Iyon ang pinagkaiba namin ng matalik kong kaibigan na si Renren. Itanong ko lang sa kanya kung ano'ng problema, pwede na siyang umiyak sa'kin. Hindi pa siya handang iwanan ang pagiging binata niya kaya madalas pa rin siyang nagpupunta sa bar. Naghihintay lang ako na makauwi siya pero madalas ay nakakatulog ako sa sobrang pagod. Totoong naghiwalay kami dahil nagkaroon siya ng ibang babae. Totoong humingi siya ng second chance sa'kin pero noong nalaman niyang buntis ako, bigla siyang nagbago at bumalik sa dati. Akala ko maayos na kaming dalawa pero hindi pa pala siya handa. Five months palang naman ang tiyan ko at maliit pa ito. Noong nasa party kami ng parents niya, iyon ang unang pagkakataon na nasaktan niya ako sa sobrang galit niya. Madalas kasi ay masasakit na salita lang ang naririnig ko sa kanya. Akala ko nga totoo iyong regret na nakita ko sa mga mata niya. Nakalimutan kong magaling siyang umarte. Hindi ko rin ine-expect ang naging reaksiyon niya noong nalaman niyang buntis ako. Pakiramdam ko ay pinandidirihan niya ako noong mga oras na iyon. Paano pa kaya kung malaman niya ang iba pang bagay tungkol sa'kin? I stay because I wanted to have a complete family. Gusto kong mabuhay ang magiging anak ko sa kumpletong pamilya. Ayoko na magaya siya sa'kin. Hindi ko kakayanin kung magiging katulad ko ang buhay niya.   NARINIG KO ANG PAGDATING ni Dan. I used to be excited when I heard his car at our garage, pero ngayon nakakaramdam na rin ako ng kaba sa mga masasakit na salitang sasabihin niya sa'kin. Tanggap ko naman ang mga iyon. Lumaki ako na masasakit na salita ang naririnig kaya balewala ito sa'kin. Masasaktan lang ako pero hindi ako magpapa-apekto. "Dan, saan kana naman galing? Hindi sila Angelo ang kasama mo ngayon. Alam mo ba kung anong oras na?" "Ano naman sa'yo? Bakit mo ako tinatanong ng ganiyan?" "Tingnan mo lasing na lasing kana naman." I was about to touch him para sana alalayan siya sa paglalakad pero umiwas siya sa'kin. Ngayon lang ito nangyari kaya may kung anong sakit akong naramdaman. It reminds me of something. "I can still walk, you know?" sabi pa ni Dan. Hindi ko naman sinabing lumpo na siya 'di ba? Nakapag-drive nga siya kaya naniniwala akong kaya niyang umakyat mag-isa. "Kelly," he called out, still not facing me. "Yes?" "You know, you are the biggest disappointment in my life," he said while walking upstairs. DISAPPOINTMENT. I think I heard that before.   NAGISING AKO DAHIL SA kakaibang nararamdaman sa katawan. Is it because of pregnancy? Gosh. Last na ito! Ang hirap pala magbuntis! Akala ko naman kasi ready na kami sa ganito. We're totally fine before I told him that I was pregnant! Hindi naman talaga ako mahihirapan kung may kasama ako habang nagbubuntis ako, kung kasama ko si Dan sa journey na ito. Pagbaba ko ay nandoon si Dan at may kausap. He is smiling. Those perfect side smile. I wish he can smile like that for me again. And I am aware that I am not the only girl in his life. Of course, hindi naman siya makikilalang babaero for nothing. And I accepted that too. Napag-usapan naman namin na once na lumabas na ang baby, sasabihin namin sa family namin na we can't be together. Hindi na niya ako isinasama sa future plans niya. We are talking about wedding kapag kasama ang parents niya, but of course, that can't be true. I am trying to fix what I need to fix. Umaasa ako na baka kapag nakita na niya iyong anak namin, mahalin ulit niya ako. Posible naman iyon 'di ba? Sana posible sa'ming dalawa. "Kelly," he called. I still like how he called my name. "Good morning," balik na sagot ko naman sa kanya. "May lakad ka mamaya?" "Yes. Magkikita kami ni Renren. Why?" I asked while preparing for my milk. Gosh. It should be liquor! Hindi naman niya alam ang schedule ng check-up ko. Sana siya ang kasama ko kahit sa check-up man lang. Nakakahiya na rin kasi na ako lang ang walang kasamang tatay ng magiging anak ko. Don’t get me wrong, thankful ako na nakakasama ko si Renren. "Ihahatid na kita." Nakakapagtaka. Bakit kaya? For sure, hindi niya naaalala kung ano'ng sinabi niya sa'kin kagabi. "No need. She knew about our arrangement so you don't need to pretend." Then, silence. "Why do have to lock your room's door, Kelly?" he asked out of nowhere and I remembered something. My room. Yes, we're sleeping on different rooms. "Ever since—" I stopped. Hindi ko pala pwedeng sabihin sa kanya. "Nasanay lang ako. Lagi namang ganoon ang ginagawa ko." Itatanong ko sana kung sinubukan ba niyang i-check ako pero huwag nalang pala. Malulungkot lang ako sa isasagot niya. Umupo nalang ako sa tapat niya habang iniinom ang gatas. "How are you?" "Your baby is fine, Dan." Sigurado naman ako na iyon ang gusto niyang malaman. "Sinusunod ko naman lahat ang sinabi ng doktor. I don't smoke and drink. Don't worry." "I am asking how are you, not that baby." That baby? Your baby. "I'm fine," sagot ko nalang just to end the conversation. Naghanda na ako para umakyat dahil maya maya ay susunduin na ako ni Renren. Ayoko rin na nandito kaming dalawa sa bahay. Mas sanay akong mag-isa kaysa nandito siya. Hinihintay ko lang naman siyang maka-uwi just to make sure na wala siyang inuuwing babae dahil baka bigla kaming puntahan ng parents niya. "Wait. Hindi ka kakain?" pagtatanong niya noong nakitang tumayo na ako. "Hindi. Uminom na ako ng gatas." "That's it? Umupo ka, ipagluluto kita." "Okay lang, Dan. Susunduin na rin naman ako ni—" Hindi na hinayaan na matapos ako sa sinasabi ko. "Kakain ka, Kelly. Ipapaalala ko lang sa'yo na may bata sa tiyan mo. Alam kong hindi ka maingat sa katawan mo pero huwag mong pababayaan ang anak ko." Napahawak ako sa tiyan ko. First time niyang sinabi na anak niya ang dinadala ko. He actually acknowledged our baby. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Kahit alam kong para kay baby lang ito ay naging masaya pa rin ako. At least he cares for the baby. Ginagawa ko rin naman lahat ng ito para sa baby ko. Ang laki na nga ng pinagbago ng buhay ko noong nalaman kong buntis ako. Well, change for the better naman and I like how he changed me. I am always referring my baby as he. Feeling ko kasi ay lalaki siya. Na-imagine ko na magiging kamukha ni Dan ang magiging anak namin. Ang cute siguro. Hindi na ako hinayaan ni Dan na tumayo dahil siya na mismo ang naghanda ng pagkain para sa'ming dalawa. Hindi ko na maalala ang huling beses na sabay kaming kumain. Ngayon lang ulit niya ako sinabayang kumain. Madalas ay iniiwasan niya ako o kaya ay magsasabi siya ng palusot para hindi niya ako sabayan sa pagkain. "Gusto mo pa ng egg?" pagtatanong pa niya na parang binabantayan talaga ang pagkain ko. "Hindi, okay na ako rito. Thanks." "Bakit ang tahimik mo?" Hindi na niya napigilan na magtanong sa'kin. "Ganito naman ako palagi, ah?" nagtatakang sagot ko naman sa kanya. "May nararamdaman ka ba?" "Dan, okay lang ako." Why is he acting so weird? May sasabihin pa sana siya pero parehas namin narinig si Renren na dumating na kaya hindi na ulit siya nagsalita. Nagsabi lang ako sa kanya na aakyat na ako para makapagbihis. Hahayaan kong maiwan silang dalawa para awayin naman ni Renren si Dan, which is palagi naman niyang ginagawa ever since Dan and I started dating. Naalala ko lang ulit ang ikinikilos ni Dan ngayon. Ganoon na ba ang epekto ng alak sa kanya ngayon? Alam kong may iba siyang babae pero hindi ko masyadong inaalala ang bagay na iyon dahil bawal daw ma-stress ang buntis. Ayoko lang din naman na magkaroon ng alam tungkol sa kung sino mang babae niya para hindi ko alamin ang tungkol sa kanila.   NANG MATAPOS NA AKONG magbihis ay sakto naman na may kumatok sa kwarto ko. Sigurado akong si Dan iyon dahil hindi naman ganoon kumatok si Renren. Nasanay lang talaga ako na naka-lock ang pinto ng kwarto ko. "Dan?" panghihingi ko ng kumpirmasyon sa kanya. "Pwede ba akong pumasok?" Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Bakit? Aalis na rin kami ni Renren." May iniabot siyang maliit na bag sa'kin. "Ano ito?" pagtatanong ko. "Nakalimutan mo ang vitamins mo," sabi pa niya. Hindi ko na kayang tagalan ang ikinikilos niya sa'kin ngayon kaya nagtanong na ako. "Dan, what's this? Why are you acting so weird? Wala rito ang parents mo kaya hindi mo kailangan maging mabait." "I just... I think..." Hindi siya makatingin sa'kin at hindi niya magawang ituloy ang sinasabi niya. "What, Dan?" He stares at me for a while before saying, "Miss you. I think, I miss you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD