01

1698 Words
I had many relationships before pero bakit feeling ko ay ibang-iba si Dan sa kanilang lahat? I did not consider my past relationships as failed relationships because I've learned so many things. Kahit na karamihan doon ay play time lang at hindi seryoso, may natutunan pa rin ako. At iyon naman palagi ang importante ‘di ba? Hindi ako kinakabahan sa social gatherings kasama ang family members ng ex-boyfriends ko noon kaya nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ang dami kong iniisip na worse na mangyari. I badly want for Dan's family to accept and like me. I really love this guy. No doubt about that. Nagbalikan lang kami at hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko. Yes, cheating is a choice and he chose to do that but asking for a second chance is also a choice, right? He made that choice and I willingly accepted him. He holds my hand when we reached the gate of their house. "Am I seeing nervousness in your face, Kelly? That's a first! Tell me, what's wrong?" He became sweeter and more expressive noong nagkabalikan kami. At first, alam naman namin sa isa't-isa na laro lang itong ginagawa namin. Syempre sa umpisa lang iyon kasi mas nakilala namin ang isa't-isa kaya mas lumalim ang feelings namin. "Just be honest with me, did they really ask me to go with you or baka ikaw lang ang nagpumilit na isama ako rito? Is my dress too short? Hindi ba bagay ang make-up ko sa event? Sabihin mo lang kung ano ang pwede ko pang ayusin, Dan." Humarap siya sa'kin. "Kelly, stop. Stop it, okay?" "What? Stop what?" "Just be yourself." "Gosh. I've heard that all the time and it didn't work on me. Mayaman kayo at alam mong wala akong pwedeng ipagmalaki sa pamilya mo, baka classy lahat ng tao riyan at alam mo rin na hindi ko kayang makipagbasayan sa kanila, baka isipin ng parents and relatives mo na—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko because he shut me up using his mouth. For some reason, it always worked on me. "There," he said while wearing his perfect side smile. "Don't say anything. You don't have to worry, they will like you. Bakit ka ba nag-iisip ng ganiyan? Noon pa man ay mahal kana ng pamilya ko."   EVERYONE IS GREETING HIM noong nakita na dumating na kami. Ipinapakilala naman niya ako sa mga pinsan niya na ngayon ko lang Nakita at tanging tango o ngiti lang ang sagot nila. Mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng kaba because they seem not to like me. Hindi binibitawan ni Dan ang kamay ko. I think, it is his way to assure me that everything will be okay and I appreciate that. Lumapit na kami sa parents niya. "Mommy, Daddy, I want you to meet Kelly... girlfriend ko po." They are both smiling pero kinakabahan pa rin ako. Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Dan sa kamay ko. Feeling first time naman ako palagi kapag nakikipagkita ako sa kanila. "Good evening po," pagbati ko sa kanila. "You told us na maganda ang girlfriend mo, Dan," pagsisimula ng Mommy niya with her intimidating voice. So hindi na kaagad pumasa ang beauty ko sa kanya? "But you didn't tell us na sobrang sexy pa rin pala! Kelly! How can you maintain that figure?" pagpapatuloy ng Mommy ni Dan na may kasamang pagpalo sa balikat ng anak at pambobola sa’kin. As if first time namin magkita. Hindi ko tuloy alam kung seryoso na natuwa siya o sarcastic. Palagi naman niya akong binobola at pinapakaba. "It's nice to see you again, Kelly." Dan's father. "Mommy baka matakot sa'yo si Kelly," dagdag na pagbibiro pa nito.  Humarap sila sa'min. "Kelly huwag kang mahihiya. Feel at home lang ulit ha? At ikaw naman, Dan, huwag mong iiwan si Kelly at baka maagaw pa ng ibang business partners ng Daddy mo." Dan's mother. Sumang-ayon naman ang Daddy niya. "Tama ang Mommy mo, marami akong business partner na binata at successful na. Baka makahanap pa ng better partner si Kelly." "Mommy, Daddy, are you encouraging her? Sa pagsasalita niyo kasi ay parang sinasabi niyo sa kanya na palitan ako." "Ohh, that's cute, Dan. You will always be my baby boy but please don't show it to Kelly. Baka biglang maturn-off sa'yo." Ang cute talagang magkulitan ng mag-ina. May lumapit na babae sa parents ni Dan kaya nagpaalam na sila na kakausapin ang ibang bisita. "Don't give me that smile, Kelly. Kumain na tayo." Nauna pa siyang maglakad. Pambihira talaga. Sumobra yata ang pagiging expressive niya. Bawal na ba siyang maging cute sa paningin ko? Nawala na sa paningin ko si Dan. Sa laki ng bahay nila, paano ko naman malalaman kung saan na siya nagpunta? Hindi yata nakikinig sa parents niya na kapag ako nakahanap ng much better sa kanya, bahala siya! Pagkatapos ay may nakita na nga ako. Ano'ng ginagawa ni Joe dito? Isa kaya sila sa business partners ng Daddy ni Dan? Actually, the party is for their business partners. Celebration dahil mayroon silang na-close na importante at malaking deal. Nagkataon lang na umuwi ang mga kamag-anak nila mula sa malalayong lugar at inimbitahan nila akong sumama kay Dan. Pero... ano nga ang ginagawa ni Joe dito? Bigla siyang napatingin sa kinatatayuan ko at naghandang lumapit sa'kin pero dumating si Dan at hinila ako papalayo kay Joe. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin kaya sinasabi ko iyon sa kanya pero he is not listening to me. "Dan, nasasaktan na ako!" Inilayo pala niya ako sa maraming tao kaya kahit sumigaw ako rito ay hindi nila maririnig. "Dan! Ano ba!" Maya maya ay huminto na kami at nilingon niya ako. "Nag-uusap pa ba kayo ng lalaki na iyon? Bakit siya lalapit sa'yo?" "Dan, hindi ko alam. Baka mangangamusta. Bakit ba?" "Bakit ganoon siya makangiti sa'yo kung hindi na kayo nag-uusap? Baka nakikipagkita ka sa kanya nang hindi ko alam?" "Ewan ko sa'yo, Dan! I never cheated on my partners before and I will never do that! Masyado kang praning. Sinabi ko naman sa'yo kanina na nasasaktan ako sa ginagawa mo but you didn't care. Girlfriend mo nga ako pero wala kang karapatang saktan ako physically. Subukan mong ulitin ito, hinding-hindi ako magdadalawang isip na iwanan ka." Mukhang natauhan siya sa ibig kong sabihin. Aba! Ang daming lalaki sa mundo na pwede kong makasama at hindi ako sasaktan physically! I will never tolerate that kind of abuse. Walang sinumang babae ang dapat nakakaranas ng ganoong pang-aabuso! Yes. Maybe, I did not respect myself for allowing my partners to have s*x with me but it does not mean I am also allowing them to hurt me physically. And I have reasons! Mahal ko naman sila kaya hinahayaan kong may mangyari sa’min. Basta, ganito lang talaga ako and I have reasons! Reasons that no one can understand! They can hurt me emotionally, cheat on me, say worse things about me but NOT PHYSICALLY. "Kelly..." "Dan, huwag mo akong lapitan." "I'm sorry." "You're sorry? So, don't let this happened again." He knows when I'm serious with my words. Pwede niyang pag-isipan na magloloko ako pero huwag na huwag niya akong sasaktan nang ganito. Damn it. All the good vibes just gone because of his bullshits! Hinawakan ko lang itong parte na hinawakan niya nang mahigpit kanina. Nakita ko naman sa expression niya na nagsisi siya sa ginawa niya. Naawa nga ako pero kailangan niyang malaman na hindi iyon tama. "I want this relationship to work well but I need your help, Dan. I told you, cheating is a choice. Kahit bantayan mo pa ako 24/7, kung magloloko ako... magloloko pa rin ako. Gets mo naman 'di ba? Kung magloloko ako, choice ko iyon at hindi ako mapipigilan ng pagbabantay mo. Pero sana alam mong hindi ko iyon magagawa sa'yo. You just have to trust me because you have my trust despite the fact that you chose to cheat and break my heart. You still have my trust, Dan." "Ayoko lang na mawala ka ulit sa'kin." "Then, trust me. Hindi ako mawawala sa'yo kung hindi mo ako pagdududahan every time na may kausap akong iba. That's not healthy for our relationship, you know." Hindi na siya sumagot at hindi na rin siya makatingin sa'kin. Ibig sabihin na-realized na niya ang point ko. "I'm not blaming you na pinili mong maghanap ng iba noon kasi alam ko sa sarili ko na hindi kita na-ingatan kaya nga bumabawi ako ngayon. Hindi lang naman ikaw ang nabigyan ng second chance, kahit ako ay nagkaroon ng second chance na ingatan ka. Kaya sana, huwag natin hayaan na masayang 'tong second chance natin. Hindi man tayo seryoso noong una... patunayan natin sa isa't-isa na totoo at hindi na tayo naglalaro ngayon."   WELL, THE PARTY WENT well and everyone enjoyed it. They actually welcome me again to their family. I had so much fun with Dan's cousins because they are all beautiful but not spoiled brats.  Karamihan sa kanila ay galing sa malalayong lugar at ngayon ko lang na-meet. Pwede kang tumawa nang malakas at walang arte sa harap nila and they will not bother to judge you. You can eat whatever you want because they are not picky eaters. I can smoke and they will probably join, pero syempre hindi pwede iyon ngayon. Dan is right. I can just be me and everything is okay. Except for... Dan and I had an argument earlier tonight. Umuwi rin naman ako kahit pinag-stay nila ako roon for overnight. Yes, I had fun pero nag-promise ako kay Mama Fe na uuwi ako sa bahay ngayon. Also, Dan and I are living together. Pumayag naman si Mama Fe kasi hindi naman conservative ang pamilya namin and Dan's family also agreed in this arrangement. Mas mabuti na raw na magkakilala kami nang lubusan. Inihatid niya ako sa bahay pero buong biyahe kaming hindi nag-usap. "Thank you," sabi ko lang pagkatapos ay bababa na sana ako pero pinigilan niya ako. "What?" I asked dryly. "Can I stay here too?" "No. I don't want to sleep with you tonight, Dan." "I'm sorry," he said. Sadness, regret, worried – all at once, was written on his facial expression. But I don't want to be with him tonight. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon at hindi makakatulong na nasa tabi ko siya. May bumabagabag lang sa isipan ko. Bakit parang nagbabago na talaga siya? Bakit parang nararamdaman ko na ulit si Dan? Ang Dan na minahal ko noon.   Bakit convincing ang mga ikinikilos niya?   To the point na napapaniwala na niya akong totoo lahat ng ipinapakita niya sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD