Mabigat ang pakiramdam ko noong nagising ako. Hindi naman ako napagod noong dito natulog ang mga kaibigan namin. Gising na ako pero nakapikit pa rin ako dahil maging ang mata ko ay nabibigatan akong idilat. Hindi naman ako napuyat kagabi kaya hindi ko na maintindihan. “Hey, Babe, are you okay?” Naramdaman kong lumapit si Dan at umupo sa tabi ko. “Am I sick?” I asked with my eyes closed. He touched my face to feel my temperature. “Para akong may sakit,” sabi ko pa sa kanya pagkatapos ay unti-unting idinilat ang aking mga mata. “Pwede bang hindi ka pumasok ngayon?” I added. “Yes, of course. Anything for you, Babe. Tatawagan ko lang si Daddy para sabihin na hindi ako makakapasok ngayon, okay?” I nodded. Kinuha niya ang cell phone niya at nakipag-usap kay Daddy Ivan. Habang nag-uusap pa ng

