Prologue
"Stop! Please stop!" sobrang lakas na sigaw ko dahilan para mapahinto ang pag galaw ng mga nasa paligid ko.
"Nava..." rinig kong bulong ni Rhea.
"Nava don't you dare..." pagbabanta naman ni Oli na parang may ideya na sa pinaplano ko.
"A-Ako... ako na lang... I- I am virgin" naiiyak ngunit seryoso kong sambit.
"Nava!" rinig kong sabay sabay na sigaw nila sa pangalan ko.
Nanatili akong nakaharap sa lalaking tinatawag nilang Lord.
Nakaharap din sya sakin kahit hindi ko kita kung kita nya ko dahil nga whole face ang mask nya.
Para kaming nagsusukatan ng tingin, kahit may nakaharang sa pagitan namin na maskara.
"Pano kami nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo? Are you willing to take the test?" sambit ng kanang kamay nya ngunit nanatili pa rin ang seryoso kong tingin sa Lord nila.
"Just do whatever you want" seryoso kong sambit.
"If lumabas sa test na nagsisinungaling ka ay kamatayan sa inyong magkakaibigan ang hatol. Malaking kasalanan ang panglilinlang sa Lord---" agad napahinto yung kanang kamay sa pagsasalita ng biglang itinaas ng kaunti ng Lord nila ang kanang kamay nito senyales na pinapatigil nya ito sa pagsasalita.
"No need for the test. I'll take you" seryosong sambit nya habang nakaharap sa akin. Ramdam ko ang kabang namutawi sa buong pagkatao ko dahil sa sinabi nya "This night is our wedding but from this time, you're already mine" seryosong sambit nya dahilan para mapaatras ako.
Ngunit pinilit ko paring magpakamatapang.
"G-Gawin mo ang gusto mo. But in one condition" pagmamatapang ko.
"Hindi nararapat na sambitin yan sa harap ng Lord---" sambit ng kanang kamay ngunit agad syang pinatigil muli ng Lord nila.
"Spill it" maikling sambit ng Lord nila.
"J-Just..." napatingin ako sa mga kaibigan ko na pare parehong umiiyak. "Just let them leave this place" nakapikit kong sambit.
"Nava no... hindi ka namin iiwan dito" rinig kong sambit ni Cora.
"Wife" agad akong napalunok at napaatras ng marinig ko ang malamig na salitang yon mula sa Lord nila. Dahan dahan kong iniangat ang paningin ko sa kanya "I'm afraid I can't do your favor, Wife"
Napalunok ako tsaka sya naiiyak na tinitigan. Pilit ko mang magpakamatapang ay hindi ko talaga magawa pag sya ang kaharap ko.
"Then just let them be! Hayaan mo na sila! Wag mo silang ipapapatay or sasaktan manlang! They can work here as the servant of this place just... just don't let them suffer. Don't kill them" nanghihina kong sambit.
Tumagal pa ng ilang segundo bago ko naramdaman ang yakap ng mga kaibigan ko habang sabay sabay silang umiiyak, gaya ko.
Kasabay non ay ang pag tawag sakin ng Lord nila.
"Fine. Come here wife" seryoso paring sambit nya.
Nginitian ko ang mga kaibigan ko.
"I will be fine. We will be fine" nakangiting sambit ko bilang paninigurado sa kanila.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad, ngunit ng malapit na ko sa kinaroroonan ng Lord nila ay agad akong nakarinig ng pagbukas ng pinto kasabay ng pamilyar na boses.
Ang kaninang lakas ko ay parang tuluyang naubos.
"Galen..." sambit ko sa pangalan nya habang patuloy ang pag agos ng luha ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.
"Nava don't please..." pilit syang inaawat ng mga armadong lalaki sa paglapit sakin dahilan para lalo akong mapahagulgol. "Nava... babe... babe I love you" patuloy sa pagpupumilit na makapunta sa pwesto ko si Galen.
Napangiti ako ng mapait.
"I love---" ngunit bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay agad na may mahigpit na kamay ang humawak sa braso ko sabay sapilitang pinaharap ako.
And with that, bumungad sakin ang napakabigat na atmosphere.
Seryoso at malalamig na tingin mula sa lalake. Ang Lord nila. Yah. Wala na ang mask sa mukha nya at kita ko na ng buo ang kanyang itsura. Ngunit parang tuluyan akong na hipnotismo ng mala asul nyang mata.
"Saying sweet words to others infront of your fiancee is not appropriate, Wife" seryosong sambit nya habang nag iigtingan ang panga tanda na galit sya "And this is more appropriate" kasabay non ang pagdampi ng labi nya sa labi ko.
Just a smack.
But a million voltage.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko pero nawala ako bigla sa wisyo. Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng braso nya sa bewang ko tsaka ako inakay paalis.
W-What is... What is this?