CLARK'S POV "Pakawalan mo na ako,pwede ba? O di kaya ay patayin mo na lang ako tutal wala ana akong gana para mabuhay.",saad nito saakin. Tumarak sa puso ko ang sinabi nito. Alam ko ang iniisip nito. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Gusto ko na ring maiyak. Paano ko ba sasabihin,saan ako mag-uumpisa? "Gusto mo bang magkwentuhan muna tayo bago kita patayin sa sarap?" Idinaan ko sa biro ang nagririgudon kong puso. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Nasa harapan ko nanaman ngayon ang babaeng mahal ko,ang buhay ko. Inirapan lang ako nito kaya natawa ako kahit papaano. Kinalagan ko ang kanyang kamay at paa ngunit alerto ako at baka mamatay ako dito na hindi manlang umaamin. Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali. Kilalang-kilala ko talaga ang takbo ng isip nito. Agad nya akong inatake

