CLARK'S POV Parang gusto nitong sirain ang kanyang sarili. Lango na ito sa alak. Ako si Jake ngayon,ang kanang kamay ni Mr. Jones Fukuda,mahirap na kasi at baka may makakita sakin bilang Clark,hindi ko magagawa ng maayos ang aking misyon. Nasa malayo lang ako habang nakatanaw sa mahal ko. Hindi ko rin pwedeng ipakita ang mukha kong ito sa kanya. Tumayo ito at nagtungo sa banyo,tila mabubuwal na dahil sa ininom nitong halo-halong klase ng alak. Sinundan ko parin ito kahit sa banyo pero may pila kaya nagtungo ito sa ikalawang palapag para maghanap doon. Nang wala itong makita ay pumasok ito sa isang VIP room at doon nagbanyo. Agad kong tinawagan si Artheus para ilock ang pinto ng kwartong iyon upang hindi magamit ng ibang tao. Tinanggal ko ang aking maskara saka ko nilapitan ang babaeng

