CLARK'S POV Umalis ako nang maaga at sumabay kina Artheus kunwari para pumunta ng America. Alam kong may mga matang nanonood sa amin at nakumpirma ko iyon nang araw na iyon. Sinabi ko ang plano kosa dalawa para linlangin ang kalaban. Nagpanggap akong namatay sa isang barilan sa airport at nakita iyon ng taong sumusunod sa amin. Alam kong irereport nito iyon sa kanilang amo kaya gumawa kami ng isang pekeng lamay at burol para sa akin. Dumalo naman ang presidente,prime minister,at iba naming co agents. Kailangan naming mapaniwala ang lahat na patay na ako nang sa gayon ay hindi maghinala ang mga kalaban at baka masira pa ang plano ko. Ipinakiusap lang ni Vhon sa prime minister at sa grupo na huwag sasabihin kay Agent Fox na patay na ako dahil ayokong magkaroon ito ng dahilan para kalimutan

