AZALEA
"Wake up, baby."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa taong panay ang pag-yugyog sa balikat ko. Bumungad sakin si Izon na nakaupo sa kama habang nakangiting aso kaya't hindi ko mapigilan ang mapairap sa kawalan.
"Nambubwisit ka-" bahagya akong napahinto nang bigla niya akong halikan sa labi kung kaya't mabilis ko siyang nasipa dahilan para mahulog siya sa kama.
"Nang-aasar ka ba talaga?"
"What? Anong mali sa ginawa ko?" pagmamaang-maangan nito habang nakaupo sa sahig.
"Anong mali sa ginawa mo?" sarkastiko kong tanong sabay lapit sa kanya.
Hinawakan ko ang suot niyang polo at pilit siyang pinatayo, ngunit parang nagsisisi yata ako nang tuluyan siyang makatayo dahil mas mataas siya kumpara sakin kaya't napabitaw ako sa pagkakahawak sa polo niya.
"Saan-banda-ang-mali-sa-ginawa-ko?" ulit niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Gusto mo bang ulitin ko para malinawan ka na walang mali sa ginawa ko?" nagpakawala siya ng isang ngisi kaya't isang suntok din ang pinakawalan ko sa kanya.
"Tigil tigilan mo 'ko sa mga pakulo mo.”
Siraulo 'to.
Ang lakas maka-beast mode. Tsss
Lumabas ako sa kwarto at tumungo sa kusina para sana magluto ng breakfast pero bumungad sakin ang nakahaing pagkain sa mesa pagkapasok ko.
"Breakfast for my baby." bigla akong hinawakan ni Izon sa magkabila kong balikat tsaka iginayak patungong mesa "Sweet na ba 'ko sa lagay na 'to?" tanong pa niya sabay wink.
Napairap ako sa ginawa niya kaya umupo na lang ako at hinayaan siya saking likuran.
"Good Morning kiss-ARAAAAY!" napadaing siya sa sakit nang balak niya sana akong halikan pero bigla ko siyang kinurot sa tagiliran. "Kiss lang-"
"Tigilan mo ako."
"Akala ko ba, Okay na tayo? Nag-usap na tayo kagabi."
What the heck!? Di porket nag-usap kami kagabi, sasamantalahin na niya ako ng halik.
Hindi na ako sumagot pa at kinain na lang ang mga pagkaing nakahain sa mesa.
***
THIRD PERSON's POINT OF VIEW
Abala si Izon sa pagliligpit ng pinagkainan nang biglang nag-ring ang kanyang telepono.
"Good morning, mom." bati niya as kabilang linya nang makita niya ang pangalan ng kanyang ina sa caller id.
[Good morning my son. I just want to remind you about-]
"Mom, hindi ko yan kakalimutan. Pupunta ako bukas." putol niya sa balak na sasabihin ng kanyang ina.
Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. It's his mom's birthday tomorrow.
[Awwwwwwieee. My son is so sweet.] parang batang kinikilig ang kausap niya sa kabilang linya.
Minsan may pagka-isip bata ang ina niya at hindi niya mawari kung papano nakayanan ng kanyang ama ang ganyang klaseng pag-uugali ng nanay niya.
"I need to hang this, Mom. May gagawin pa ako." he reasoned out thingking about how long will it takes if hahayaan niya na lang dumaldal ang kanyang ina sa kabilang linya.
[Okay son. Always take care of yourself. I love you.]
"Ilove you more. Bye." then he ended.
He continue cleaning the table after placing his phone when someone speak behind his back.
"Sinong kausap mo?"
He's smiling like crazy when he turned to face Azalea. Yung tipong mas talo niya pa ang ngiti ng taong nanalo sa lotto.
"Si mom, it's her birthday tomorrow and she was just reminding me." he even smirk at her "Why? Are you jealous? Akala mo kung sino, ano?" balak niya sanang lapitan ang dalaga nang bigla siyang talikuran nito at naglakad palabas ng apartment.
"I'm heading to school. Lock mo na lang yung apartment ko kapag umalis ka na."
"Wala man lang ba akong I love you galing sayo?" nagpapa-awa effect pa si Izon pero tumuloy na ng lakad palabas si Azalea kaya laglag balikat niyang pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
***
AZALEA's POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung mabibwisit ba ako or what. Sino ba naman ang hindi mabibwisit kung isang siraulo lang naman ang bubungad sayo pagkagising mo. Sabihin na lang natin na dagdag kamalasan pa yung paghalik niya sakin kanina.
"Good morning, frenny."
Saglit akong napabaling ng tingin kay Nixel na kakarating lang tsaka bumati pabalik "Morning."
Umiwas kaagad ako ng tingin at lutang na namang nakatingin sa white board.
Anak ng patatas naman kasi. Bakit ko ba kinausap yung lalaking yun kagabi? Abauuugggghhh ngayon pa lang nagsisisi na ko. Nakakapanindig balahibo ang siraulong yun sa tuwing didikit siya sakin.
Marupok nga ako, pero hutek! Mas marupok siya sakin.
"Baby..." biglang kumunot ang noo ko nang makita ko ang mukha ni Izon sa white board.
"Baby...." dinig ko at napanguso pa yung siraulo na para bang manghahalik.
"Baby... Baby... Baby... Baby...-"
"D-MN IT! TUMIGIL KA!" napatayo ako sa sobrang inis at dun ko lang napagtanto na bigla akong napasigaw at ngayo'y pinagtitinginan na ko ng mga kaklase ko.
"Did you just cursed me?" napatingin ako kay Nixel at ngayo'y parang maiiyak siya na ewan. "Hindi mo naman kailangang murahin ako kung ayaw mo akong kausapin. I'm fine if patigilin mo ako sa pagsasalita, but hearing you cursing me out, is not OK" biglang siyang nag-walk out at iniwan ako.
What the heck—anyare sa kanya?
Inaano ko ba siya? Hindi naman siya yung sinisigawan ko—Anak ng patatas—Argh Walanghiyang Izon!
"Good morning Class."
Napaayos ako ng upo nang biglang pumasok si Prof. Sumunod na pumasok si Nixel at pabagsak na umupo sa tabi ko pero hindi pa din mapalitan ang nakabusangot niyang mukha.
"How was your proposal so far?" kaagad na tanong ni Prof pagkatapos niyang ilapag sa table ang mga gamit niya. He's pertaining to our business proposal which is next week na ang presentation.
Most of our classmates answered in chorus at kaming dalawa lang yata ni Nixel ang walang kibo dahil hindi man lang niya ako pinapansin.
Seryoso? Galit ba talaga siya sakin?
*Discuss
*Discuss
*Dismissal
*Lunch break
Natapos ang buong umaga hanggang sa nag-dismissal kami pero wala yatang balak magsalita ang katabi ko.
Lumabas na 'ko at hinintay si Nixel dahil nauna akong magligpit ng mga gamit. I waited for almost five minutes bago siya lumabas ng room. Balak ko pa sanang lapitan siya at kausapin pero mabilis niya akong nilagpasan na para bang hindi niya ako nakita.
"Hoy Nixel!" pasigaw kong sambit pero di talaga siya lumingon at tuluyan akong iniwan.
Mukhang mahaba-habang suyuan na naman ang mangyayari samin.
"Hey. Saan ang punta mo?"
Napatingin ako sa taong nagsalita. Nasa loob siya ng kanyang kotse at nakasunod lang sakin. Dun ko lang din napagtantong dinala ako ng sarili kong paa sa labas ng school.
"Kakain sa malapit na karenderya." sagot ko kay Nizel.
Total badtrip sakin si Nixel, wala din naman akong kasamang pumuntang canteen. At mas makakatipid ako kapag sa karenderya ako kumain. Dolyar ang mga pagkaing binebenta sa canteen.
"Sumabay ka na lang sakin. May alam akong malapit na karenderya dito."
Gulat akong napatingin kay Nizel tsaka mabilis na binago ang expresyon. Napakunot ang noo ko habang nanlilisik ang mga mata sabay sabing "Okay ka lang ba?" tanong ko.
Sa yaman niyang yan? Kakain siya sa karenderya?
"Why?"
"Eh kasi..."
Saglit akong napahinto nang bigla kong marinig ang ringtone ng phone ko.
Sino na naman 'to?
Inis kong kinuha sa loob ng bag ang phone tsaka tiningnan ang caller ID.
Izon?
"Oh? Anong kailangan-"
[I guess I'm talking to someone who's good at flirting.] pinagsasabi niya?
"You got a wrong call-"
[So anong nakikita ko ngayon?]
Anong kaartehan na naman 'to Izon? Mas lalo mo lang pinapagulo ang utak ko.
"Nakakaistorbo ka lang kaya end ko na 'to."
[Continue flirting then..]
Walang kagatong-gatong at kaagad niyang in-end ang tawag. What the-flirting? Sinong nakikipaglandian? Ako ba? Siraulo!
"Sino yun?" dinig kong tanong ni Nizel
"Si..."
Biglang naagaw ng kotseng humarurot ang atensyon ko at kung hindi ako nagkakamali, paniguradong kay Izon yun- Anak ng tokwa. Yun ba yun? Nakita niya 'kong nakikipag-usap kay Nizel kaya sinabihan niya akong ipagpatuloy ko ang pakikipaglandian.
Abaugh! Siraulo lang ah.