Kabanata 10

1944 Words
AZALEA “Nixel...” I am trying my best to approach Nixel pero nakakainis lang dahil kahapon niya pa ako binabalewala. “Sorry na, hindi naman talaga ikaw yung minura ko.” niyogyog ko yung braso niya pero parang bato pa din siya na tila ba'y isa lang akong hangin na nangungulit na mapansin. “Bati na tayo Nixel.” lahat lahat ginawa ko na. Nagmumukha akong ewan sa kakapout tapos dedma pa din ang lola. Natapos na ang lunch break hanggang sa nagdismissal na pero wala talaga. Ayaw talaga ako pansinin ng babaeng 'to. “Bye. Una na 'ko.” alam kong hindi niya pa din ako papansinin pero gusto ko lang magpaalam. May trabaho pa ako at gusto kong magsimula ng maaga para mas maaga din akong matapos. “Wait..” napahinto ako sabay lingon kay Nixel na nagsalita at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. “Do me a favor.” mataray niyang sabi sabay taas ng kaliwa niyang kilay. “A-Anong favor?” “Promise me first na gagawin mo ang gusto ko. Minura mo ako at unacceptable yun sakin, kaya dapat lang na gawan mo 'ko ng pabor—” “Oo na. Anong klaseng favor yan?” bored kong sagot at inilapag sa desk ang mga gamit ko. “Samahan mo 'ko mamaya sa birthday party ng kasosyo ni mommy sa business. Magagalit kasi sakin yun kapag hindi ako pumunta at kapag nagalit siya, syempre damay damay na. Pati na din allowance ko madadamay din for sure.” Kasosyo ng mommy niya? So it means mga mayayaman ang mga nandun? Blangko ang expresyong napatingin ako sa kanya sabay cross arms at ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. “I still have work at wala akong oras para sa mga—” “Diyan ka naman magaling eh. Murahin mo na lang ako ng murahin tapos kapag trip mong sumigaw, isagad mo na ang pagmumura dahil simula ngayon, friendship over na tayo. Tandaan mo yan.” Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya. Masyadong siyang praning at umabot talaga sa pagiging F.O naming dalawa. Psh “Oo na. Sasamahan na kita.” Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at ang sumunod na nangyari ay hila-hila na niya ako palabas ng classroom hanggang sa marating namin ang parking lot ng school at hinatid kami ng sundo niya sa bahay nila. “Ako na ang bahala sa susuotin mo.” sabi niya at pumasok kami sa kwarto niya. Halos mapanganga ako nang buksan niya ang kanyang walk-in closet. Seryoso? Ngayon ko lang napagtantong sobrang yaman pala talaga ng kaibigan ko dahil sa sobrang lawak ng laman ng closet niya. “Sabi ko naman sayo na ako ang bahala sa damit na susuotin mo diba?” Sinimulan na niya akong ayusan at siya na din yung pumili ng damit ko. Wala siyang masyadong nilagay sa mukha ko dahil mas maganda daw akong tingnan kapag light lang yung make-ups. Pagkatapos ko, siya naman yung nag-ayos hanggang sa umabot ng dalawang oras ang pag-aayos namin. “Oh diba? Ang ganda natin?” sambit ni Nixel pagkatingin niya sa salamin. Medyo naiilang ako sa suot ko dahil hindi ko naman ugaling magsuot ng mga ganito at umattend sa mga engrandeng okasyon ng mga mayayaman. “Ikaw na lang kaya. Hindi talaga ako kumportable—” “Nagpromise ka na sakin na sasama ka, kaya lumabas na tayo dahil kanina pa naghihintay si twinie sa labas.” mataray niyang sabi sabay hila sakin at saktong pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto, bumungad samin si Nizel na aakmang kakatok pa sana. “Lesgow na twinie.” masayang yaya ng kaibigan ko at bigla niya na lang akong itinulak palapit sa kakambal niya na siyang ikinagulat ko. “Kaladkarin mo na yan. Balak pa yatang umatras eh” dagdag pa niya at iniwan kami. Pahamak ka talaga Nixel. “You look dashing... Shall we?” nakangiting inilahad ni Nizel ang kanyang kamay kaya kahit medyo nahihiya ako'y tinanguan ko na din siya at sabay kaming lumabas ng kanilang bahay habang nakaalalay siya sakin. “Alam niyo. Bagay kayong dalawa.” salubong samin ni Nixel . Automatiko namang namula ang mukha ko sabay iwas ng tingin, nananalangin na sana hindi nila mapansin ang expresyon ko. “Mas bagay siyang maging ina ng mga anak ko.” hirit naman ni Nizel na mas lalong nakapagpapula sakin. “Yown oh. Bumabat na din si twinie ahahahahaha.” Anak ng— kikiligin na sana ako kaso hutek si Nixel. Kambal nga talaga sila. Trip nila akong asarin ngayon. “Tara na. Baka mahuli pa tayo.” pinagbuksan kami ni Nizel ng pinto ng kotse niya. Sa likuran ko na napagpasyahang umupo dahil nababalisa ako sa tuwing katabi ko si Nizel. Siya yung nag-drive at katabi niya si Nixel. Mahigit kumulang kalahating oras lang ang iginugul namin at narating na namin ang venue ng party ng walang kahit na anong imikan sa loob ng kotse. Muli kaming pinagbuksan ni Nizel at bumungad sa'min ang parang mansion sa sobrang laki ng bahay. “Maiwan ko na kayo. Puntahan ko lang si mom.” paalam ni Nizel at mabilis naman siya naming tinanguan ni Nixel. Mas lalo akong kinabahan nang maiwan kaming dalawa ng kaibigan ko. Hinawakan niya 'ko sa kamay at hinila papasok sa loob ng mansion. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil sa ganda ng nasa loob. Ultimong mga bisita ay nakikisabay sa ganda ng mansion, ewan ko lang kung nakikisabay din ang suot ko sa mga taong nandirito. “Doon tayo sa may hall.” sambit ni Nixel at hinila na naman ako. Syempre yung mahinhin na klase na paghila ang ginawa niya, alangan naman kaladkarin niya ako diba? Sobrang yaman siguro ang may-ari ng bahay na 'to. Halata kasing mayayaman lang din ang nakakadalo sa ganitong klaseng okasyon. Pwera na lang sakin na hamak na mahirap lamang. “Pansin mo? Halos may kaedaran na ang mga nandirito sa party? Konti lang yung mga kaedad natin.” Napatingin ako kay Nixel nang huminto kami at magsalita siya. Napakunot noo na lang ako nang makitang may hawak na siyang wine glass at nilagok ang laman nito. Saan niya nakuha yan? “Kaya kita sinama dahil paniguradong out of place ako dito. May ibang business kasi si Nizel at hindi din naman ako close sa mga nandirito na ka-age ko lang.” So ganun? She had no choice kaya ako ang isinama niya at nagawa niya pa akong artehan sa favor niya dahil lang dito? “Woy! Hindi ka man lang ba magsasalita?” siniko niya ako ng mahina sa bandang braso. “Alam mo namang wala akong oras para sa mga ganito diba? Iniwan ko pa ang trabaho ko na kung tutuusin ay mas kikita ako kumpara sa ginagawa ko ngayon.” kalmado kong sagot at itinuon ang paningin sa mga taong nandirito. “Ako na lang ang magpapasweldo sayo ngayong gabi—” “Hindi na.” putol ko sabay baling sa kanya ng tingin. “Magpapahangin lang ako sa labas. Hintayin na lang kita dun hanggang sa matapos 'to.” pilit ang ngiting tugon ko tsaka humakbang palayo para hindi na siya makaangal pa. Mabilis ang nga hakbang ko palabas nang may biglang humila sakin at dinala ako sa hindi ko alam kung saang bahagi ng mansion kami pupunta. Napatingin ako sa lalaking humila sakin at napagtantong si Izon—anong ginagawa niya dito? Napadaan kami sa sobrang lapad na harden hanggang sa umabot kami sa pool area pero wala pa din akong imik at ganun din siya. Nandito kami sa medyo madilim na parte dahil sa bandang pool lang ang may ilaw at dito sa hinintuan namin ay walang ni katiting na liwanag na makikita. “What are you doing here?” tanong niya sakin nang isandal niya ako sa pader. “Lalabas na nga ako diba?” rason ko sabay tulak sa kanya pero hindi pa din siya nagpatinag at ngayo'y ikinulong na niya ako sa dalawa niyang braso. “Miss mo lang ako kaya sinundan mo 'ko dito.” nakangiti niyang sabi at nanunuksong nakatingin sakin sabay iling. “Minsan may pagka-assuming ka din—” Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sinasabi ko nang bigla akong hinalikan ni Izon sa labi. Buong pwersa ko siyang itinulak at sinubukan ko pang magpumiglas ngunit tila talo yata ako sa halik niya at kalaunan ay tinugunan ko na din ang bawat galaw ng kanyang labi. Napahawak siya sa beywang ko at ako nama'y sa bandang dibdib niya. He slowly pressed my butt dahilan para mapaungol ako ng mahina. Patuloy pa din kami sa paghahalikan hanggang sa may narinig kaming kalabog kasabay ng mabilis kong pagtulak ng malakas kay Izon. “Sh*t.” dinig kong mura niya pero hindi ko siya pinansin at iginala lang ang paningin. May nakakita ba sa'min? Anak ng tokwa naman o. “Nandito ka lang pala.” isang babaeng nakasuot ng puting gown ang lumapit kay Izon. Nakita niya kaya yung ginawa namin? Halatang mayaman basi sa postura nito at makikita mo din sa kanyang suot na gown. Matangkad, sakto ang katawanan, mahaba ang buhok at mukha siyang modelo kung titingnan. Kahit na medyo madilim dito, kitang-kita ko ang natural niyang ganda dahil halatang wala itong kolorete sa mukha. “Hinahanap ka na dun. Kailangan na ang speech mo para kay tita.” ngumiti siya kay Izon at tumingin naman sakin si Izon sabay senyas na mauuna na siya. “Hi. Can I talk to you?” tanong ng babae pagkaalis kaagad ni Izon. Pilit ang ngiting tinanguan ko siya at ngumiti din siya pabalik sakin. Naglakad siya malapit sa pool kaya nag-aalinlangan ako kung susundan ko ba siya o hindi. “Come here.” Siguro yan na ang cue na dapat nga talaga akong lumapit sa kanya. Pumunta ako sa kanyang gawi ngunit nasa likuran niya lang ako. “What's your relationship with Izon?” medyo nabigla ako sa tanong niya dahil hindi ko iniexpect na yun kaagad ang itatanong niya. “I saw you both kissing so don't lie.” dagdag niya pa na mas lalong nakapagpakaba sakin. Sinasabi ko na nga ba, nakita niya yung ginawa namin. Sino ba 'to? Girlfriend niya? “W-We're friends—” “I TOLD YOU NOT TO LIE, B*TCH!” sigaw niya nang mapaharap siya sakin sabay hawak sa braso ko. “Bitawan mo 'ko!” medyo tinaasan ko na din ang boses ko ngunit talo pa din ako dahil sa nanlalaki niyang mga mata. Napaatras ako ng konti at hinila mula sa pagkakahawak niya ang braso ko at sa pag-atras kong yun ay naramdaman kong nasa bandang side na ako ng pool. Dun ko lang napagtantong nagkapalitan kami ng pwesto, siya yung nasa kaninang kinatatayuan ko at ako naman ang nasa pwesto niya kanina. “B-Bitiwan mo 'ko.” pag-uulit ko. Kinakabahan na 'ko sa mga posibleng mangyari. Ayokong mangyari yung iniisip kong— “Okay. Wish granted.” nakangisi niyang sabi sabay patulak na binitawan ang braso ko. Bumagsak ako sa swimming pool at halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. “TU—LONG...” I was screaming for help pero tinitigan lang ako ng babaeng tumulak sakin. Parang unti unti akong hinihila ng tubig pababa. Sinubukan kong iahon ang sarili ko ngunit hindi ko kaya. Pinanlambutan ako ng tuhod kasabay ng panginginig ng katawan ko. Napapikit ako ng mariin at muling nag-flashback sakin ang nangyari four years ago. “Nizel! Tulungan mo si Azalea... She has an aquaphobia at hindi siya marunong lumangoy.” that was the last line I've heard coming from Nixel then everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD