Chapter 4

681 Words
Napabuntong-hininga nalang uli siya. Bakit ba puro si Ace nalang ang iniisip niya? Oras ng trabaho ngayon kaya ang dapat niyang asikasuhin ay ang mga customers niya at ang kahera. Saka niya na uli iisipin si Ace. Tutal naman ay quotang-quota na siya dahil halos beinte kwatro oras ng nasa isip niya ang lalaki. Kailangan niya munang mag-break kundi ay mababaliw na siya. Nabalik lang sa kasalukuyan ang diwa niya nang mapansin niyang nagkakagulo na ang mga tauhan niya sa isang bahagi ng restaurant. Maging ang mga customers nila ay doon na rin naka-focus ang atensyon. Ilang sandali siyang nagmasid saka niya napagtanto na wala pala sa loob ng restaurant niya ang sanhi ng kaguluhang iyon. The culprit was outside the glass wall. Everyone in the restaurant, except her, looked astounded as they stare at the glass wall. Ano kayang pinagkakaguluhan ng mga ito? Nabuhay ang curiousity niya kaya napatayo na rin siya sa upuan niya para makigulo sa mga ito. “Anong meron? May artista? Bakit nagkakagulo kayo?” tanong niya sa mga empleyado niya. “Ay naku, Ma’am!” kinikilig na sambit ni Almie, isa sa mga waitress niya. “May gwapo po sa tapat ng restaurant natin! Eeeeee!” Kumunot ang noo niya. Ngayon lang ba nakakita ng guwapo ang mga ito at ganoon nalang magsi-react ang mga ito? Napailing nalang siya. Matingnan nga kung guwapo ba talaga iyon. Nakisingit siya sa mga ito. “Patingin ako!” Binigyang daan naman siya ng mga crews niya. Tila kurtinang humawi ang mga ito kaya ngayon ay nasa harap na siya ng glass wall. Potek! Guwapo nga! A drop dead gorgeous man was standing on the other side of the glass wall. At kilalang-kilala niya ito. He was the very same person she was busy thinking of before she joined that commotion. Napatitig nalang siya sa lalaking nasa harap niya lang ngunit nananatiling hindi niya maabot dahil sa nakaharang na salamin sa pagitan nila. She wanted to see him again even for a little while after their accidental encounter the other day. Mukhang nakulitan na sa kanya ang Diyos sa kakahiling niya kaya heto at nasa harap niya na uli ito. Maya-maya ay aksidenteng napalingon din sa gawi niya ang lalaki. Their eyes met. And just like the first time she saw him again after eight years, she found herself looking at his hazel green eyes that managed to captivate all of her in nanoseconds. Nakita niyang bumadha ang pagkabigla sa mukha nito subalit dagli rin iyong nawala. Wala na siyang emosyong mababasa sa mukha nito ngayon. Galit pa rin ba talaga ito sa kanya? Kunsabagay, sino ba naman ang matutuwa kung bigla nalang siyang magtatatakbo na tila ba may nakakahawang sakit ang kaharap niya? Nakakainsulto ang ginawa niyang pagtakbo palayo dito kaya malamang ay badtrip na badtrip na talaga ito sa kanya. Kung noong nakaraang araw ay may balak pa itong magpaka-civil sa pakikiharap sa kanya, malamang ngayon ay ituturing nalang siya nitong unwanted na hangin sa paligid. Kaiyak! Nakita niyang naglakad ito papasok sa restaurant niya. Agad itong sinalubong ng mga crews niya at in-assist. Nginitian lang nito ang mga crews niya saka ito dumiretso papunta sa kanya. Naramdaman niya ang pagtriple ng t***k ng puso niya nang muling niyang makaharap ang lalaki. Damn, those pictures in the magazine and internet didn’t jusitified him. Dahil ngayong nakikita niya na ito in broad daylight, masasabi niyang mas nakakawala ng katinuan ang kagwapuhan nito. No wonder, nakatulala na lang ang ibang tao sa paligid dito. “Hi, you’re the owner of this place, right?” pormal na tanong ni Ace sa kanya. Tumikhim muna siya para tanggalin ang bara sa lalamunan niya saka siya marahang tumango. “Yes. Ako ang may-ari ng restaurant.” “I see,” tumango-tango ito. “I’m with Rayleigh Aloro and Shanela Arquiza. Ang sabi nila, nagpa-reserve na daw si Rayleigh noong nakaraang araw dito. Ma-la-late lang daw sila saglit dahil traffic daw.” “G-ganoon ba?” nauutal na sambit niya. “This way, Sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD