Chapter 5

946 Words
IGINIYA ni Akira si Ace papunta sa isa sa mga private rooms na sadya niyang pinagawa para sa mga businessman na gustong magkaroon ng luncheon meeting privately. Iyon na rin ang ni-reserve niyang silid para sa food testing nila Rayleigh para hindi sila makaabala sa iba nilang customers at para maging komportable ang mga ito. Nakasunod sa kanya si Ace at hindi niiya mapigilang mailang dahil pakiramdam niya ay tinititigan siya nito. Binuksan niya ang pinto ng private room at pinapasok doon si Ace. Nang makaupo na ito doon ay napansin niyang tahimik pa rin itong nakamasid sa kanya. Pinilit niya nalang ang sarili niyang huwag masyadong mailang sa presensya nito dahil kahit pa anong dahilan niya ay customer pa rin ito at kailangan niya itong iasiste ng maayos. Hindi na niya pwedeng gawin ang ginawa niyang kabastusan noong isang araw sapagkat ayaw niyang may masabi itong masama laban sa serbisyo ng restaurant niya. “Sir, magpapahatid po ako ng drinks dito sa isa sa mga crews ko. Kung may kailangan pa po kayo, paki-pindot nalang po ang red button dito sa gilid ng pinto para po may pumuntang crew dito. Enjoy your stay, Sir.” Bahagya siyang yumukod at akmang isasara niya na ang pinto subalit narinig niya ang pagtawag ni Ace sa pangalan niya kaya awtomatiko siyang napalingon dito. “Yes, sir? May kailangan pa po ba kayo?” “So, natupad mo na rin pala ang pangarap mong magkaroon ng sariling restaurant. Congratulations. Nice place, by the way,” komento nito habang inililibot ang tingin sa paligid. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mas hangaan pa ito. Kung titingnan niya kasi ito ngayon ay tila ba pag-aari nito ang buong silid na iyon. His presence made the room appear more appealing in her eyes. Prente itong nakaupo sa couch na tila ba relaxed na relaxed ito doon. He was trying to make a conversation with her. Paraan ba nito iyon para iparating sa kanya na gusto pa rin siya nitong makausap pagkatapos ng lahat-lahat ng nangyari sa pagitan nila? “Natupad mo rin ang pangarap mo,” hindi niya mapigilang mapangiti. “You’re one of the most sought after male models nowadays.” Saglit itong natigilan nang mapalingon ito sa kanya at magtama ang mga mata nila. “So, naaalala mo pa pala ang pangarap kong iyon.” “Of course. Walong taon pa lang ang nakakaraan. That time is too short to forget something important,” natigilan siya sa sinabi niya. Eeeh! Ano bang mga pinagsasasabi niya? Baka ma-misunderstood nito ang mga sinasabi niya. “So, it’s been eight years, huh! Oo nga pala. Magte-treinta na ako four months from now. Hindi ko namalayan na ganoon na pala katagal magmula noong huli tayong magkita,” nagulat siya nang bahagya itong ngumiti. Lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. The expression in his face softened. “I’ve missed you, Akira. Pero `wag kang mag-alala. Wala akong balak na guluhin pa ang buhay mo ngayon. I can see that you’re doing great. Let’s just put everything in the past, shall we? Pasensya ka na nga pala kung kung umasta ako ay parang hindi tayo magkakilala. I just thought that you didn’t want to let anyone know about our past. Ayokong mailang ka. At oras na malaman ng iba ang naging koneksyon natin noon, siguradong maraming magtatanong sa `yo. I don’t want to bother you so I think it’s best for us to pretend that we didn’t know each other. Para sa kabutihan mo rin naman ito. I hope you understand.” “O-of course. Naiintindihan ko,” she smiled at him assuringly. “A-ayoko rin namang magulo pa ang buhay mo sa muling pagkikita natin. Pasensya ka na rin pala kung bigla akong tumakbo nung huli tayong magkita. That was so stupid of me. Alam kong nainsulto ka sa ginawa ko. I… I just don’t know how to face you.” “Nah, forget it. Its fine,” he stared into her eyes. “It was okay, Akira. I understand. You don’t have to explain, really.” “O-okay,” ilang sandaling nabalot ng katahimikan sa pagitan nila kaya siya na ang bumasag niyon. Gusto niya na rin kasing makaalis sa harap nito dahil pakiramdam niya, anumang oras ay iiyak na siya. “Ahm, I’ll go ahead. Aabangan ko pa sila Rayleigh. S-sige.” Tumango lang ito. Nang maisara niya ang pinto ay napayuko nalang siya para itago ang namumuong luha sa mga mata niya. Hindi siya pwedeng umiyak! Not now. Nasa trabaho pa siya kaya hindi pa siya pwedeng mag-drama. Mamaya nalang kapag nasa bahay na siya at wala ng ibang makakakita sa kanya. For now, kailangan niya munang kimkimin ang lahat ng emosyong unti-unting ngumangatngat sa puso niya. So he wanted to forget everything about their past. Fine. Kung iyon ang gusto nito, wala siyang magagawa kundi ang mag-comply sa kagustuhan nito. Wala siya sa posisyon para magreklamo. If he didn’t want her to be part of his life, fine! It was okay. She would be okay. She should be okay. Hinanda niya na ang sarili niya para sa pagkakataong iyon noon pa. Ngunit iba pa rin pala talaga kapag actual na.  Triple ang sakit sa imagination niya. Nagtagumpay naman siya sa pagpapakalma ng emosyon niya. Kaya niya ito! She heaved a deep sigh and counted from one to ten to calm her self. Kasabay niyon ay ang pagrenda niya sa puso niyang nanganganib na masaktan kung hindi niya iyon pipigilang mahulog uli kay Ace. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD