“SO, WHAT do you think? Itutuloy pa ba natin ang kasal nina Dave at Amelie?” tanong ng matanadang lalaki na katabi ni Amelie. Napalingon si Dana kay Dave na tahimik lang sa kanyang tabi. “Let my son answer that question, kumpadre,” anang matandang lalaki na nakaupo sa kabesera. Biglang kinabahan si Dana. Dapat yata ay wala siya sa mesang iyon. Para siyang outsider sa usapang ng mga taong naroon. “Ah, excuse me. I mean…if you’ll excuse me, I think my presence is not needed here. I better go.” Akmang tatayo na siya nang bigla siyang pigilan ni Dave. “Please stay, iha. Your presence is important,” sabi naman ng matandang nakaupo sa kabesera. Kaya walang nagawa si Dana kung hindi manahimik na lang sa kanyang upuan. “Dave, please answer Mr. Salazar’s question,” untag naman ng matandang

