Chapter 30

1745 Words

“HOY! TAMA na nga iyan! Ang ingay mo diyan!” pasigaw na sambit ni Dana nang silipin si Dave mula sa bintana. Agad namang lumapit ang binata sa pintuan at binuksan ito. “Masaya lang naman ako kasi girlfriend na kita,” malapad ang ngiting wika nito nang bumalik sa sasakyan. “Akala ko aabutin pa ako ng ilang buwan bago kita mapasagot. Salamat naman at sinagot mo na rin ako, Bhabe,” dagdag pa nito sabay hawak sa kamay niya. Napakunot ang noo ni Dana. “Bhabe?” “Oo, Bhabe na kita ngayon. Puwede naman kitang tawagin na gano’n, hindi ba?” Nabasa ni Dana ang pag-aalangan sa mukha nito. Kaya nginitian niya ito. “Okay, kung iyan ang gusto mo, eh. Uwi na nga tayo. Gabing-gabi na. Kawawa naman si Ira na naghihintay sa akin,” nag-aalalang wika niya. “Hinihintay ka ni Ira?” tanong ni Dave nang pan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD