Chapter 31

2039 Words

“ANG AGA yata ng lakad mo ngayon, ah,” puna ni Ira nang mapansin nitong nakatayo si Dana sa harap ng malaking salamin. “May pupuntahan kami ni Dave ngayon,” tugon ni Dana nang lingunin ang kaibigan mula sa salamin. “Wow! May date sila. Sana all,” nakangiting sambit ni Ira. Natawa naman si Dana sa harap ng salamin. “Hindi bale malapit na rin namang dumating ang Prince Charming mo,” pampalubag loob niya rito. Pinagkrus ni Ira ang dalawang kamay sa ilalim ng dibdib nito. “Parang hindi na ako naniniwala. Paano ba namang mangyayari iyan kung eskuwelahan at bahay lang ang routine ko araw-araw? Sino naman ang makikita ko? Wala akong ibang nakikita kung hindi mga estudyante, kapwa ko guro, janitor, security guard, tricycle driver. Mayroon pa bang iba?” “Wala bang single sa mga co-teachers mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD