“BHABE, huwag kang magbiro ng ganyan. Wala akong planong i-display ang itinatago kong katawan sa harap ng publiko. Inire-reserve ko ito para lang sa iyo,” seryosong banggit ni Dave. Napangisi si Dana. “Seryoso ka? Bakit? Virgin ka pa ba? O baka naman laspag ka na? Iyang mukha mo na lang yata ang maayos,” pagbibiro niya. Nilingon siya ni Dave. “Bhabe, ang sama ng biro mo, ah.” Natawa si Dana. “Bakit tinamaan ka ba?” Natahimik ang binata. Hindi na rin nangulit si Dana. Baka mapikon naman ang nobyo niya sa mga pinagsasabi niya. Narinig ni Dana na nagpakawala nang malakas na buntunghininga si Dave. “Bhabe, ang totoo niyan, hindi na ako virgin. Ilang beses nang may nangyari sa amin ni Denisse at kahit noong kami ni Ren. I’m sorry kaya lang iyon ang totoo. Pero nangangako ako mula sa a

