EKSAKTONG alas onse y medya nang makarating sila sa resort na tinutukoy ni Dave. “Wow! Ang ganda naman dito,” natutuwang wika ni Dana nang makababa siya sa sasakyan. Nasa parking area sila ng resort. Mula sa kinatatayuan nila ay matatanaw ang apat na palapag na hotel. Sa tabi nito ay marami pang cottages. “Diretso na tayo sa hotel,” yakag ni Dave kay Dana. Nakangiti namang sumunod si Dana sa nobyo. Patingin-tingin siya sa paligid habang naglalakad. Ang ganda ng nakikita niya. Sementado ang daanan pati na ang parking area pero maraming puno at halaman ang buong paligid. Pagdating nila sa lobby ng hotel ay lalong namangha si Dana. Nagkalat ang mga malalaking painting sa dingding. Bukod doon ay may mga matataas na indoor plants bawat sulok. Nakapalibot sa buong lobby ang iba’t ibang

