Chapter 49 Mike Pov Kinabukasan ay dumalaw ang mga magulang ko sa hospital at ang mga parents ni Jasmine. Si Janzel dumaan lang at ang asawa nito dahil may importante itong meeting sa Maynila. Ang mga kambal naman ay naiwan sa Terfly Island kasama si Tita ni Janzel. Gising na si Jasmine no'n. Pero tulad kahapon tulala pa rin ito at bakas ang lungkot sa mga mata. "My Princess," iyak ni Tita nang lumapit ito kay Jasmine. "Sweet heart, kami ito ang Daddy mo at ommy mo," sabi naman ni Tito sa mahinang tinig. Lumapit na rin si Mommy at Daddy. "Iha, kamusta ka na?" tanong ni Daddy sa nakatulala kong asawa. "Iha, magpagaling ka na.Narito na kami hinding-hindi ka na namin muling iiwan pa," sabi pa ni Mommy. Gumala naman ang paningin ni Jasmine sa nakapalibot sa kaniya. "Daddy?" bigkas

