Chapter 43 Jasmine Pov Kinabukasan nagmamadali akong nag-shower at nag- almusal. Binilisan ko ang mga kilos ko. dahil late na ako, kailangan ko parin pumasok sa trabaho. Tulog pa ang mga kambal,naabutan kong nagka-kape si Janzel at Cristy. "Uminom kana ng mga gamot mo?"tanong ni Janzel "Oo," tipid kong sagot. " 'Wag mo kalimutan ang mga gamot mo,'' paalala naman ni Cristy 3x a day kasi 'yong isa. Tumango-tango lang ako. ''Tita, sabihan mo si Roshel huwag ng dalhin ang kambal sa resort, ha?'' bilin ko pa kay Tita. ''Okay, Iha,'' sagot naman ni Tita. Ang dalawang kambal na lalaki makibahay lang sila itong babae ko lang ang pagala-gala. Gusto palaging nsa labas ng bahay. ''Oo nga pala, Jas, Bukas uuwi muna kami sa Laguna. Aasikasuhin muna namin ang mga papers namin papuntang Canad

