Chapter 35 Jasmine Pov Lumipas pa ang ilang linggo.Mula nang gabing iyon na nag-tanong sa akin si Mike sa mga bagay na iyon ay naging malamig na naman ang pakikitungo niya sa akin kinabukasan. Hindi na siya nagtatabi sa akin matulog. Lagi siya sa kubo natutulog. kapag nasa bahay siya, si Cathy lang ang ina-asikaso niy medyo umu-umbok na ang maliit na t'yan ni Cathy. Si Mike rin ang kasama nito kapag nagpapa-check up sa bayan. Parang multo ulit ako sa paningin niya. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin gusto ko siya kausapin pero talagang umiiwas siya. Kapag sa hapagkainan naman tahimik lang kaming tatlo. Minsan 'di na rin ako sumasabay sa kanila kumain. Minsan nakita ko pa si Mike na nagsusuka gusto ko sana siya lapitan baka may sakit siya pero kapag lumalapit ako at tanungi

