Jasmine
"Hey! Jasmine, wake up!" Malakas ang boses ni mommy habang niyuyugyog niya ang balikat ko.
"Uhmm..." Ungol ko habang ininat ang aking mga katawan. "Ano ba naman, mommy. Inaantok pa ako." Agad kong tinakpan ng unan ang tainga ko. Pero syempre mabilis niya rin iyon inagaw.
"Hay nako, Jasmine! Ano oras na, oh! Ganito na lang ang lifetime na gusto mo? Palagi ka na lang puyat!" galit niyang sigaw habang hinahawi ang kurtina sa bintana, kaya pumasok ang liwanag sa loob ng aking silid.
Napabalikwas ako. Napagtanto na narito siya sa condo unit ko. Parang bruha ang aking buho dahil wala pa itong suklay.
"Mommy, anong ginagawa n'yo rito? Bakit narito kayo sa condo ko?!" Tanong ko habang pinapagitna sa mata ko ang masakit na liwanag.
Namaywang siya habang nakatayo sa gilid ng aking kama.
"Anong maaga? Ala-una na ng tanghali! Tawag ako ng tawag sa'yo, pero 'di ka sumasagot! Ano ba ang pinagpupuyatan mo, ha? Akala ko tuloy may nangyaring masama sayo dahil hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Galit pero may himig na pag-aalala sa kaniyang boses
Napabuntong hininga ako ng malalim. "Mommy naman! Alam mong malapit na ang graduation ko. Kailangan kong pagpuyatan itong thesis namin!" Padabog akong tumayo mula sa kama. Mabigat ang mga paa ko na pumasok sa banyo upang mag-toothbrush. May pasok pa ako ngayong hapon.
"Makinig ka, Jasmine! Maghanda ka. Sa susunod na araw darating ang anak ng Tito Sam mo at ng Tita Joan mo. Pupunta sila sa mansion kasama ang anak nila." Napahinto ako sa pag toothbrush nang marinig ko ang sinabi niya.
Sa Amerika nanirahan ang anak nila Tito Sam at Tita Joan na si Mike. Hindi ko pa ito nakikita personal pero madalas kong naririnig ang pangalan niya.
Napangiwi ako. "Mom, I'm not interested."
Nagsimula na naman siyang magtalak. "Hay nako, Jasmina! Tigilan mo ang kamalditahan mong iyan!"
Hindi ko na siya sinagot. Binuksan ko ang shower para hindi ko marinig ang sermon niya.
Patuloy ang pagtatalak niya sa labas ng banyo, pero wala naman akong maintindihan.
Salamat dito sa shower dahil hindi ko naririnig ang mga sermon niya.
Pagkaligo, nagsuot ako ng fitted jeans at hanging blouse—pusod out, confidence in. Habang nag-aayos ako sa salamin, lumitaw ulit si Mommy. Agad nanlaki ang mga mata niya.
Mamaya kasi pagkatapos na klase namin pupunta kami sa disco ng mga kaibigan ko.
Nang makita ni mommy ang suot ko na laki ang kanyang mga mata.
"What the- anak ka talaga ng tatay mo!" Nangungunsumi niyang puna sa suot ko. "Jasmine, palitan mo 'yang damit mo. Gustong-gusto mo talagang lumabas ang pusod mo?" Pinanlakihan niya pa ako ng kanyang mga mata.
Ngumisi ako at niyakapusya mula sa likod.
"Mom, uso 'to. Bagay sa 'kin. Sexy ako tingnan, hindi ba?"
Inirapan niya ako sa paglalambing ko ang iyon. Pero hindi niya rin ako natiis. Hinawakan niya ang kamay ko. Tinanggal niya ang pagkayapos sa baywang niya. Humarap siya sa aki.
"Oo, maganda ka. Alam namin iyon. Pero para sa amin isa kang mamahaling ginto. Who is a mamahaling crystal-na iniingat ingatan dahil ayaw ka naming masira o may dumukot man sa'yo sa amin. Ayaw namin ng Daddy mo na mapahamak ka, anak. Ayaw namin na may nambabastos sa 'yo." Puno ng lambing at pagmamahal ang haplos niya sa pisngi ko.
Hinaplos ko rin ang pisngi niya. May lungkot sa aking mga mata. Nais kong magpasalamat sa pagmamahal at pag-aalala niya sa akin.
"I love you, Mom. Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang sarili ko. Sige na baka hinihintay ka na ni Daddy."
Malalim siyang bumuntong hininga. May bahid na panghihinayang sa mga mata niya. Sabay na kaming lumabas at bumaba sa condo unit ko.
"Ihahatid na kita sa paaralan mo," alok niya sa akin na agad kong tinanggihan, nang makalabas kami ng condominium.
"Huwag na, Mom. Susunduin ako ng boyfriend ko," nakangiti kong sabi sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay. Umirap sa akin. Natawa lang ako sa reaction niya. Binuhay niya ang makina at pinatakbo na ang sasakyan.
Ilang minuto pa dumating si John: ang boyfriend ko na panglabing-siyam.
"Hi, Sweety!" bati niya sa akin. Bumaba siya ng kotse. Pinagbuksan ako ng pintuan. Ganyan siya ka gentleman, ganyan rin siya ka boring.
Wala naman talaga akong nararamdaman para sa kanya. Gusto ko lang makalimot. Para takpan ang sugat na iniwan ng ex kong...hayop.
May sarili din akong kotse, pero ayaw ipagamit sa akin ni mommy at daddy. Muntik na kasi ako maaksidente noon.
Simula noon nagta-taxi na lang ako patungo sa school. Hindi kaya ipapahatid ako nila mommy at daddy kay Mang Jun; family driver namin. Tuwing linggo umuuwi ako sa mansion para makasama sila Mommy at Daddy.
Mula nang lumipat ako sa condo na pagmamay-ari ng mga Buenaventura- natuto ako maging independent. Naglilinis ako ng sarili kong kwarto, hindi nga lang ganoon ka pulido. Maliban na lang sa pagluluto dahil wala akong alam. Madalas kas sa labas ako kumakain.
Ang lalim na ng mga iniisip ko. Nakatayo pa rin ako sa harap ng pintuan ng sasakyan ni John.
"Sumakay ka na," wika ni Jhon, na siyang nagpabalik ng huwesyo ko. Dali-dali na ako umupo sa front seat. Sinara niya ng maingat ang pintuan. Umikot siya sa driver seat para sumakay na rin.
Sinimulan niyang ng paandarin ang makina at pinatakbo.
"Ba't parang nakapormal ka? May pupuntahan ka ba?" Hindi nakaiwas ang porma niya sa mga mata ko habang nagmamaneho siya. habang nag-start na siya sa pagmamaneho.
Isa siyang manager sa isang mall. Day off niya ngayon, kaya may panahon siyang suduin at ihatid ako sa paaralan.
"Yes, Sweety. May pupuntahan tayong dalawa. Pagkatapos ng klase mo susunduin kita." Sagot niya. May pilyong sumilay sa kanyang mga mata.
Nagkibit balikat ako. Walang pakialam sa sinabi niya.
Kung hindi lang kami nag-break ng boyfriend ko, hindi ko sasagutin si John.
Nakipag-break ako sa hinayupak kong ex dahil nakipag-s*x sa isang babae. Mismong dalawang mga mata ko ang nakakita sa kababuyan nila.
Nang ligawan ako ni John. Walang alinlangan ko siyang sinagot.
Sandali ng kanyang pagmamaneho na karating kami sa tapat ng paaralan.
Nakita ako ng aking mga kaibigan pagbabako sa sasakyan ni John.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan.
Pagkababa ako hinalikan niya ako sa aking pisngi bago siya muling pumasok sa kanyang kotse.
"See you later, Sweety," paalam nito sa akin. Muling binuhay ang makina.
Matamis akong ngumiti sa kanya. "Ingat ka!"
Tumalikod na ako at pumasok sa gate. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan, habang nakaupo sila sa may puno ng acasia. May upuan roon.
"Jasmine, sino 'yon?" Tanong agad ni Khristine sa akin. Gamit ang kanyang nguso tinuro niya ang sasakyan ni John na tumatakbo.
"Si Jhon, pang labing siyam kong boyfriend," walang paligoy-ligoy na sagot ko sa kanila.
Agad na patakip ng labi si Cristy. Halatang gulat at hindi makapaniwala. "Omg! Girl, after mo makipag-break kay Rix last week, nakipag-boyfriend ka na naman?"
Ngumiti ako sa sinabi niya. Ngiting mapakla.
Siya lang naman ang bestfriend ko na tahimik. Mahinhin. Maganda. Sexy rin. Subalit ilang sa kanya ang mga lalaki.
Siya lang din ang nakakaalam ng mga sikreto ko. Siya kasi yung tipong tao na hindi madaldal.
Sa aming apat na magkaibigan siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.
"Hayss... Grabe ka talaga, girl. Parang damit lang kung makapagpalit ka ng boyfriend," hindi maiwasang komento ni Bioly. Siya ang pinakaloka-loka sa aming apat.
Tumabi ako ng upo kay Cristy.
"Hay nako! Tigilan niyo nga ako. Mabuti pa siguro gawin na natin ang thesis natin, para makapag-date pa ako sa boyfriend ko."
Tumaas ang kilay nilang tatlo sa sinabi ko.
Mapanuya. Mapanukso. Mapanghusga.
Sabay pa silang napapahiling na tatlo. Hindi kasi nila sukat akalain na ganoon lang ako kabilis magkaroon ng boyfriend.