29 Chapter 29 Jasmine Pov Nagising ako na wala si Mike sa tabi ko. Bumangon ako mula sa pagkahiga at umupo muna ako at sumandal sa kama. Medyo ok na ang pakiramdam ko. Maya-maya ay nagtungo ako sa banyo para mag-shower. Nang matapos na ako mag-shower at isinoot ko ulit ang roba ko at lumabas sa banyo. Nagtungo ako sa pinto ng kuwarto palabas. Pero pagpihit ko naka-lock hindi ko mabuksan ang pinto. Inulit-ulit ko pa itong buksan pero ayaw talaga. '' Mike!" Sigaw ko at baka hindi niya sinasadyang mae-lock ako sa loob. '' Mike! Buksan mo ang pinto!'' Sigaw ko pa ilang ulit akong sumigaw pero walang sumasagot. Kaya nang mapagod ako ay sinubukan kong pumunta sa balconies. Hindi rin ako makalabas ng bahay dahil mga kabatuhan na ang sa ilalim ng balcony at humahampas pa ang tubig roon

