20

1327 Words
Aurora “Hindi ba sinabihan na kita na bawal ‘tong kuwarto na ‘to?” asar na tanong ni Sir Raphael bago niya kinabig papasara ang pinto. Nalingon ko siya. Kahit na maayos ang kanyang itsura ay hindi ko maikaila na parang may pagod na nakapinta sa kanyang mga mata. “Sir Raphael…” “Matigas din ulo mo, ‘no?” Umigting ang panga niya bago niya ako hinarap. “I hate people like that.” Nagpantig ang tainga ko. Tinulak ko siya papalayo. “Iniwan mo ‘ko mag-isa dito sa bahay mo, sa gitna ng gubat. May sumisitsit sa ‘kin kanina. Tapos ikaw pa may ganang magalit? Dapat nga ako ang magalit sa ‘yo, Sir Raphael. I'm not a toy you can just throw around!” Nasabunot niya ang buhok niya. Saglit na pumikit si Sir Raphael. Para bang pinapahinahon ang sarili niya. Nang kumalma ay masuyo niya akong hinila papalapit. “I'm sorry, I wasn't thinking straight… I forgot to tell you, Azul lives nearby. So I was comfortable to leave for a bit. I…” Tuluyan niya na akong ikinulong sa bisig niya. “Nevermind…” “Bakit ba kasi bigla kang nawala?” “Business matters,” tipid na sagot niya. Napakunot ang noo ko. Sino namang siraulo ang makikipag-meeting, dis oras ng Linggo? Hindi maganda ang kutob ko. Pero hindi na ako nagtanong pa. After all, hindi ko siya nobyo. Hindi ko lugar na alamin ang personal na buhay niya, kahit na pinipilit niya pang maging parte ako no’n. Nang dumampi muli ang labi niya sa ‘kin ay unti-unting nalusaw ang distansya na ginawa ko. Lalo na nang mag-umpisang lumikot ang kanyang mga kamay. habang ang isa ay nasa balakang ko, ang isa naman ay unti-unting inaalis ang kawit ng suot kong bra. “Teka… kumain ka na ba? S-sir… mhmm…” tanong ko habang dahan-dahang bumababa ang mga halik niya patungo sa leeg ko. “My dinner’s already here,” bulong ni Sir Raphael habang itinataas niya ang laylayan ng suot kong bestida. Lumuhod siya sa sahig at iniangat ang isa kong hita. Ikinawit niya ‘yon sa balikat niya bago pinunit ang suot kong panty. Habang nasa ilalim siya ng bestida ko ay hindi ko naman mapigilang humanap ng makakapitan. Hanggang sa marating ng mga kamay ko ang buhok niya. Bahagya ko siyang nasabunutan habang pinipigilan ang mga mumunting ungol na namumuo sa lalamunan ko. Huminto si Sir Raphael. Habol niya ang kanyang hininga. Umalis siya mula sa pagkakatago niya sa laylayan ng bestida ko at dinilaan ang mamasa-masa niyang labi. “I want you to moan, Aurora. Sabi mo nga, nasa gitna tayo ng kagubatan. Let the f*****g woods hear how delicious you sound when I’m f*****g you.” Bahagya akong kinilabutan sa sinabi niya, ‘di dahil nandidiri ako, pero unang beses ‘yon sa tanang buhay ko na may mag-dirty talk sa ‘kin. Unang beses din na may magpaligaya sa ‘kin. At malayong-malayo ‘yon sa mga nababasa ko. Malayong-malayo sa imahinasyon ko. Tumayo si Sir Raphael. Nang magkatapat ang mga mukha namin ay ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat kong bahagyang malamig dahil sa pawis. Hindi ako makatingin papalayo sa mga mata niya. O ang iwasan ang kanyang mga bisig. Hindi ko na lang namamalayan, binuhat niya na ako ulit, habang nakakandado ang mga katawan namin sa isa’t isa. Imbes na dumiretso sa silid ko ay dinala ako ni Sir Raphael sa entrada ng villa niya, malapit sa fountain. Akala ko hihinto ro’n ang mga yabag niya, pero sa gulat ko, dumiretso pa si Sir Raphael sa labas ng villa, kung saan tanging damo at puno lang ang magtatakip sa aming mga katawan. “D-di-dito tayo?” nauutal na tanong ko sa kanya nang ibaba niya ‘ko sa pagkakabuhat niya. “Sa labas talaga?” Napintahan ng pilyong ngiti ang mga labi ni Sir Raphael. “Sabi mo nga, wala namang makakakita sa ‘tin…” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Do you trust me?” Kusang gumalaw ang katawan ko. Nang ihiga ako ni Sir Raphael sa bermuda grass, kusa ko nang ipinaubaya ang sarili ko sa lahat ng gusto niyang gawin sa ‘kin. Hindi ko makakalimutan kung paanong sa ilalim ng maliwanag na buwan at mga bituin no’ng gabing ‘yon ay inangkin niya ako nang paulit-ulit. Tinuruan niya ako ng iba-ibang posisyon na ‘ni sa libro ay ‘di ko pa nababasa. Higit sa lahat, pinaramdam niya sa ‘kin na kung ano man ang nararamdaman niya, hindi lang ‘yon tawag ng laman. Nang maiputok niya sa sinapupunan ko ang huling katas niya ay binuhat niya na ako papasok ng villa. Hapong-hapo na pareho kaming bumagsak sa ibabaw ng kama sa silid na pinili niya sa ‘kin. ‘Di na ako nag-abala pa na magpalit ng damit. Pinunit niya na ang bestida ko at wala na rin naman na siyang saplot. Habang magkatabi sa kama, hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang mukha ni Sir Raphael. Nakapikit na siya at halatang pagod na pagod siya, kaya naman tahimik ko na lang siyang pinagmasdan habang gumuguhit ng malilit na bilog sa dibdib niya gamit ang hintuturo ko. “Ano, mas guwapo ba ‘ko sa Gideon na ‘yon?” tanong niya habang nakapikit. Mahina kong hinampas ang dibdib niya. “Nakailan ka na nga sa ‘kin, pinagseselosan mo pa rin si Gideon?” Napadilat si Sir Raphael. Tinitigan niya ako pabalik. “Guwapo ‘yon. Alam ko, may laban siya kahit na ako pa ang katapat niya.” Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. “Heto na naman tayo…” “Bakit, hindi ba totoo? I saw you staring at him, Aurora. And I f*****g hate it.” “Hanggang ngayon ba pag-iinitan mo si Gideon?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko na nga nakakasalamuha ‘yong tao…” “Well, he could just visit your house,” angal niya. “And—” Natahimik siya nang hagkan ko siya sa labi. Napaungol si Sir Raphael nang maramdaman niya ang mga mumunting kagat ko sa balat niya. Nang maghiwalay kami ay mas tumindi ang paghahabol namin ng hininga. “Sapat na ba ‘yan para matahimik ka?” “No,” ungol niya. Lalong humigpit ang pagkakayakap sa ‘kin ni Sir Raphael. Na para bang nabuhay ulit ang dugo niya. Naramdaman ko ang matigas niyang ari na bahagyang dumidikit sa tiyan ko. “Ayaw kong mapagod ka. May bukas pa naman—” “Akala ko ba uuwi na ‘ko bukas?” tanong ko. “Usapan natin isang gabi lang, Sir Raphael.” “I know… But I want you to stay for at least three days. Pagkatapos no’n, ihahatid na kita pauwi.” Inirapan ko siya at humalukipkip. “‘Yan, ‘pag talaga may gusto, may paraan, ‘no?” “Please?” paglalambing niya bago ako hinalikan sa noo. “At least let me spoil you…” “Bahala ka.” Hindi na siya nagsalita pa. Pumikit ulit si Sir Raphael habang nakakulong pa rin ako sa mga bisig niya. At kahit ilang sandali na ang lumipas, ‘di pa rin ako dinalaw ng antok. Tahimik ko lang na pinagmasdan ang mukha niya, pati na rin ang kung paano mabagal na magtaas-baba ang dibdib niya. Hindi ko alam kung ano ang namamayaning emosyon sa dibdib ko noong mga oras na ‘yon. Kung pagmamahal man ‘to, bakit may pangamba pa rin sa dibdib ko? Bakit pa rin ako nag-aalinlangan? “Dapat ba na mahalin kita pabalik, Raphael Aguilar? Paano kung saktan mo ‘ko?” bulong ko. “Magkaiba ang mundong ginagalawan natin. Mayaman ka. At ako… alikabok lang ako sa mundo mo. Paano kung… makahanap ka ng iba? Ng babae na mas bagay sa 'yo at sa angkan mo? Paano ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD