21

1180 Words
Nang maramdaman ang pagbagal ng paghinga ni Aurora, dumilat si Raphael. Mataman niyang tinitigan ang dalaga. Hindi niya maiwaksi ang lungkot na kanyang nararamdaman habang pinapakinggan niya ang tinig nito kanina. Alam niya ang karanasan nito sa pumanaw nitong ama, bago pa man nito sabihin. Hindi ‘yon nakatago. Bulong-bulongan ng lahat sa maliit na baryo na tinirahan nito noon bago ito lumipat ng siyudad kung gaano kalupit ang ama nito sa kanilang mag-ina. Gusto niyang amuin ang dalaga. Patahanin. Sabihin na kahit na anong mangyari, hinding-hindi niya ito papabayaan. Pero paano niya gagawin ‘yon? ‘Ni hindi niya alam kung paano niya tatakasan ang kasunduan ng kanyang ama. At mas lalong hindi niya malaman kung paano niya sasabihin kay Aurora ang totoo niyang pagkatao. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng smartphone niya sa nightstand. Marahan niyang inalis ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya bago tumayo at kinuha ang smartphone. Sinagot kaagad ni Raphael ang tawag nang makita ang pangalan ng kanyang kapatid. “Azul,” maikling bati niya bago nagsindi ng isang rolyo ng tabako. Binuksan niya ang bintana at ibinuga ang usok doon. “Kuya, confirmed. Mga tauhan ni Grigor ang umatake sa bahay ni Aurora kanina,” balita ni Azul sa kanya. “Kumanta na ‘yong isa. Nautusan lang daw sila ni Silas, pero hindi nila alam kung nasaan si Grigor, o kung bakit niya pinapaatake ‘yong bahay na ‘yon.” “Huh…” mahinang sabi ni Raphael habang matamang pinagmamasdan si Aurora na mahimbing pa rin na natutulog. “Walang ibang nasaktan?” “Kuya, sa lakas mo ba, may makakatakas sa ‘yo? Isa pa, halatang napag-utusan lang sila. Wala nang ibang bahay ang inatake ng Aswang, kahit na may kapitbahay si Aurora na buntis.” Pagak na natawa si Raphael. “At sinasabi ni Silas na nangako sila kay Papa? Walang kwenta ang kasunduan nila kung hindi rin naman sila susunod!” Namumuo ang galit sa lalamunan ni Raphael. Ramdam niya ang kung anong malakas na puwersang gustong kumawala sa kanyang katawan. Tinitigan niya ang kanyang kamay. Naglitawan ang mga ugat doon na kulay lila. Humaba rin ang kanyang mga kuko na itim na itim. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Alam niya na sa oras na hindi niya mapigilan ang mga emosyon niya ay kakawala ang sumpa. At baka… Napa-iling si Raphael. Hindi puwede. Hangga’t maaari, pipigilan niya ang paglakas ng sumpa sa loob niya. Ayaw niyang magkatotoo ang propesiya at masaktan si Aurora dahil sa kanya. “Kuya,” tawag ni Azul sa kanya na nagpabalik ng kanyang huwisyo, “Kailangang malaman ni Aurora ang totoo. Para na rin maihanda mo siya sa kung ano pang maaaring mangyari.” Nagpakawala ng malalim na hininga si Raphael at bahagyang napakamot ng noo. “I know. Just give me time. For now… Lagyan n’yo ng proteksiyon ang bahay niya. Suot niya na ang kapiraso ng hiyas ko at alam ko na maproprotektahan siya no’n.” Nagtungo ang tingin niya sa kuwintas na suot ni Aurora. Pati na rin sa ibon na dala-dala nito. Parte kasi ‘yon ng hiyas niya, na talagang itinabi at inihanda niya para sa kanyang magiging kabiyak, upang palagi niyang mararamdaman kung may panganib ba sa paligid nito. “Kailangan nating mahanap sa lalong madaling panahon ang demonyong Grigor na ‘yon,” ani Raphael sa ilalim ng kanyang hininga. “Hangga’t hindi natin nalalaman kung nasaan siya, mas lalong lalakas ang kumpiyansa niya na malalamangan niya tayo.” Hindi ko rin naman kasi malaman kay Papa kung bakit sa dinami-rami ng puwede niyang ipagkasundo sa ‘yo, anak pa ng isang Aswang! Nahihibang na ba siya?” himutok ni Azul. “Maski ang mga tauhan natin ay ‘di rin maintindihan kung bakit niya ‘yon pinili. Kalat na sa angkan natin ang kasunduan, at karamihan sa kanila, hindi—” “Sang-ayon man sila o hindi, mahirap kumbinsihin si Papa hangga’t wala tayong matibay na ebidensiya na ginagago lang tayo nina Grigor,” sabi ni Raphael. Natahimik ang kanyang kapatid. “Kailangan makahanap tayo ng paraan para mapaatras si Papa sa kasunduan sa lalong madaling panahon. Bago pa dumanak ng dugo.” Eksaktong pagkababa niya ng tawag ay umungol si Aurora. Parang naalimpungatan. Kaagad niyang tinungo ang tabi nito at maingat na humiga. Awtomatikong hinahanap ng mga braso nito ang katawan niya. Napangiti si Raphael. Hindi niya ipagpapalit ang mga sandaling ito sa kahit anong yaman o kapangyarihan sa mundo. “Sir Raphael?” pupungas-pungas na tawag ni Aurora sa kanya. “Nagising ba kita? Sorry, I had to use the bathroom…” Umiling ito bago nagsumiksik sa dibdib niya. Inayos niya ang pagkakakumot ng dalaga bago niya ito tahimik na pinagmasdan. Siguro ay nakaramdam na ito ng pagkailang kaya naman mayamaya ay dumilat ito at nakipagtitigan din sa kanya. “Bakit?” natatawang tanong niya. “Baka ma-in love ka sa ‘kin n’yan, Aurora…” “Asa ka pa,” sagot nito bago siya inirapan. Natawa si Raphael at hinalikan ito sa noo. “Can you please stop calling me Sir? I’d prefer if you’ll call me by my name, my love…” “Boss pa rin kita,” tutol nito. “Baka ano pang sabihin ng ibang tao.” “Then let them talk,” sabi niya bago hinalikan ang kamay ng dalaga. “Eh ano naman ngayon kung maging tayo? Ang mahalaga, mahal natin ang isa’t isa.” Napansin niya ang paglungkot ng mga mata ni Aurora. Halatang hindi ito komportable sa isipin na ‘yon. Alam naman ni Raphael higit sa lahat na… natatakot pa rin ito. Maski naman siya ay natatakot din. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ng kanyang ama at mas lalong ayaw niya na madawit ito sa gulo ng kanilang angkan. Handa siyang pumatay at mamatay masiguro lang ang kaligtasan ng dalaga. Kahit na ang ibig pang sabihin niyon ay ang pag-aalay niya ng buhay, pati na rin ng kanyang trono bilang Hari ng mga Mandaragit. “Aurora, hindi kita pinipilit. Hindi rin kita pine-pressure. Just let me love you, and enjoy it, until you feel ready. O kahit na hindi mo suklian. Hayaan mo lang ako…” “That’s unfair for you, Sir.” Natawa siya. “Kailan ba naging fair ang pagmamahal? Isa pa, kung maging martir man ako, sa ‘kin na ang sisi no’n, at hindi sa ‘yo.” Humigpit ang yakap niya kay Aurora nang mapansin na parang nangingilid ang luha nito. Tahimik niya itong inalo. Ang mga mumunting hikbi lang nito ang tanging bumabasag sa katahimikan ng gabi. “I love you, Aurora… so please, stop doubting about it…” bulong niya. “Stop doubting that someone would love you wholeheartedly and never hurt you.” “Natatakot ako, Raphael…” Ngumiti siya. “Ako rin naman… Pero hindi ibig sabihin no’n eh hahayaan ko na lang na mamatay ang nararamdaman ko para sa ‘yo. I’ll choose you every day, every night, every right, and every wrong. Hayaan mo lang ako.” Tanggapin mo lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD