Aurora
Red wine.
Gano’n ang lasa ng labi ng lalaki. Dapat ay itinutulak ko siya ngayon papalayo ngunit tila kasabay ng paglapat ng kanyang mga labi sa ‘kin ay nahigop niya na rin pati ang lakas ng aking katawan. Walang ibang naglalaro sa isipan ko kung ‘di ang kibot ng kanyang labi. Ang init ng kanyang hininga. Ang dahan-dahang paglapit ng kanyang matipunong katawan sa ‘kin, na katulad ng rebulto sa salas ay walang saplot.
Kamukha niya ang—
“Ikaw…”
Ngumisi siya bago niya kinagat nang magaan ang aking tainga. “Hindi ba ito rin ang gusto mo, Aurora? Sabihin mo lang sa ‘kin na tinatanggap mo ‘ko, at dadalhin kita sa langit.”
Umawang ang labi ko nang mapagmasdan ko ang kanyang mukha, kasabay ng dahan-dahang pagbaba ng kanyang mga kamay. ‘Ni hindi ako makahanap ng kung ano mang maipipintas sa hubog ng kanyang ilong, o sa mahahaba niyang pilikmata at mapupulang labi… Para siyang nabibilang sa isang museo. Isang nililok mula sa bato at marmol na…
“Sabihin mo, Aurora, tinatanggap mo ba ‘ko?”
Napaawang ang mga labi ko at impit na napaungol nang maramdaman ko ang dahan-dahang paglalaro ng kanyang mga daliri sa aking p********e. Wala na sa ayos ang suot kong pantulog at halos iluwa na n’yon lahat sa estrangherong nasa ibabaw ko ngayon.
Dapat ay tumatanggi ako, o itinutulak siya palayo. Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko ang mga asul na asul na matang nakatago sa namamangha niyang mga ngiti, hindi ko mapigilan ang sarili ko na buksan at tanggapin siya nang buo?
“Aaah…” mahina kong sigaw nang bumilis ang paggalaw ng kanyang mga daliri, kasabay ng paglilis niya sa suot kong bestida at paghalik sa aking mga dibdib. Napaarko ang likod ko nang maramdaman ko ang mariing pagkagat ng kanyang mga ngipin sa aking mga rurok, na tila ba sanggol na uhaw na uhaw. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nahablot ko ang kanyang buhok at bahagya iyong hinila papalayo.
Nagkatinginan kami, siya nakatingala sa ‘kin at ako nama’y nakayuko sa kanya. Ngumisi muli ang estranghero at nagtanim ng halik sa pagitan ng aking mga dibdib.
“Akin ka, Aurora. Akin ka na.”
Agad akong napadilat at napabangon nang walang kaabog-abog nang magising ako mula sa panaginip na iyon. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at naririnig ko na ang ingay ng mga sasakyan sa labas. Napatingin ako sa suot kong bestida at napansin na nakalilis iyon.
Panaginip lang ba ang lahat?
Marahan kong nahaplos ang mga labi ko, habang inaalala ang mga nangyari sa panaginip. Ang kung paanong bigla siyang sumulpot sa silid ko, na kasingbilis din ng kanyang pagkawala. Ang tamis ng kanyang mga labi at pait ng kanyang tinig na tila ba nahihirapan.
Mahina akong tumawa at itinaas ang suot kong damit. Siguro nga ay nananaginip lang ako at naninibago sa bahay. Wala akong oras para isipin ‘yon dahil kailangan ako sa hotel. Isa pa, panaginip lang ‘yon. Wala nang iba pa.
Tama, panaginip lang ang lahat…
Pagkatapos kong mahimasmasan ay bumaba na ako kaagad para mag-ayos at makapasok na sa trabaho. May ilang mga kahon na nanatiling nakakalat sa pasilyo ng ikalawang palapag at sa may hagdan, ngunit hindi ko na muna pinansin ang mga ito. Kapag nakabalik si Sharlene, sasabihan ko siya na tulungan akong mag-ayos.
Tahimik ang bahay. Sa kabila ng ingay sa labas, para bang pinapaalala sa akin ng bago kong tirahan na sa edad ko, mag-isa pa rin ako sa buhay.
Ipinagkibit-balikat ko ang kakaiba kong nararamdaman at tumuloy na sa salas. Pagkaliko ko ay unang pumukaw ng aking pansin ang malaking rebulto ng fallen angel na nakatayo sa may salas. May bahid ng lipstick ang labi niyon! At…
“Hindi naman ‘to nakangiti kahapon, ah?” sambit ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang rebulto. Pilit kong iniisip kung nakangiti ba talaga ang rebulto nang mabili ko ito, o sadyang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha.
Pinakatitigan ko nang maigi ang mga mata nito. Ang labi nitong nakaukit, ang dibdib nitong…
Napatalon ako sa malakas na tunog ng doorbell na pumunit sa katahimikan. Sinundan iyon ng malakas na tinig ni Sharlene.
“Aurora! Gising ka na ba? May dala akong agahan!” tawag niya na naging dahilan ko para bilisan ang pagkilos bago pa siya makabulabog ng kapitbahay. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng yakap.
“Oryang! Alam mo ba, may good news ako!”
Tumawa ako bago kumawala sa yakap ni Sharlene. “Teh, pwede bang pumasok ka muna? Mamaya na ang chismis!”
Sumimangot ito bago tumuloy sa kusina. Nilapag niya ang plastik ng tapsilog at tocilog sa lamesa bago iyon inayos. Habang abala siya sa agahan ay kaagad naman akong naligo at nagbihis.
“Alam mo ba, nagising na ‘yong pinsan ko na comatose!” balita sa akin ni Sharlene habang namumuwalan. “Naalala mo si Gideon? ‘Yong matagal ko nang nirereto sa ‘yo?”
Tumango ako. Naalala ko bigla ang lalaking tinutukoy niya. Si Gideon de Guia na isa rin sa mga chef ng hotel. Mabait naman siya at maalaga, ngunit sadyang…
Hanggang sa naaksidente ito at na-comatose ng ilang buwan.
“Huwag kang mag-alala, hindi naman kita pipilitin na bisitahin pinsan ko. Alam ko naman na hindi mo siya type.”
Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. “Hindi naman sa hindi type, Shar. Ayoko lang talaga… Alam mo naman ‘yon, ‘di ba?”
Inirapan ako ng kaibigan ko. “Oo na, alam ko na na ayaw mo mag-jowa kasi natatakot ka na baka magaya ka sa nanay mong martir. ‘Wag mo na ulitin, bes. Kabisado ko na.”
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. “Trabaho lang muna gusto kong isipin ngayon.”
Biglang lumiwanag ang mukha ni Sharlene. “Speaking of trabaho, nabalitaan mo na ba? Uuwi daw si Boss dito sa ‘tin this week!”
Napakunot-noo ako. “Sino, si Don Raul? Hindi ba nandito naman talaga siya sa Maynila?”
“Gaga, hindi! Si Sir Raphael, ‘yong unico hijo ng mga Aguilar! ‘Yong nag-aral tsaka nagma-manage ng mga negosyo nila abroad? Babalik daw ‘yon sa Pinas this week, sabi ng mga superior natin. Dito na mamamalagi.”
Napakibit-balikat na lang ako. “Oh, e ano naman ngayon? Uuwi lang pala, e.”
Hinampas ako ni Sharlene ng kutsara sa noo. “Gaga! Hindi mo ba alam? Hanggang ngayon, single pa rin si Sir Raphael! 35 na raw ‘yon, at ang chismis pa ng mga Marites sa hotel, guwapong-guwapo raw at parang hindi tumatanda!”
“As if naman papatol ‘yon sa mga empleyado niya, Shar. Isa pa, mas isipin natin na maging mas maigi sa trabaho natin, hindi kung paano magpapapansin kay Boss.”
“Sus, Oryang, mapapansin ka talaga no’n kahit hindi ka magpapansin! Sa ganda mong ‘yan? Magaling ka pa sa trabaho mo. Isa pa, hindi ka ba naku-curious sa itsura ni Sir, lalo na at may lahi ‘yon?”
Napapalatak ako. “‘Ke siya pa ang pinakaguwapong nilalang sa mundo, wala akong interes. Isa pa, malay ba natin kung may nobya na ‘yon?”
Inirapan ako ni Sharlene at muling bumalik sa agahan niya. “Sus, baka mamaya kainin mo ‘yang mga sinasabi mo, Aurora. Hindi ka puwedeng pang-habambuhay tumakbo palayo sa pag-ibig, tandaan mo ‘yan.”