11

1230 Words
Aurora Sabado. Napag-usapan na namin ni Sharlene na magkita sa mall kung saan may clinic sa loob. Nang makahanap ako ng damit na makakapagtago ng mga marka ng labi ni Sir Raphael ay kaagad na akong umalis. Pagkatapos ng nangyari sa ‘min kagabi, nagising na lang ako na nasa kama na ako ng sarili kong bahay. Maayos na nakatiklop ang damit ko sa lamesita at suot ko na ang isa sa mga puting polo ni Sir Raphael, kung saan naaamoy ko pa ang pabango niyang amoy alak. Hindi na ako nagtaka. Sa impluwensiya at kapangyarihan ba naman ng mga Aguilar, himala na lang na hindi niya pa alam kung saan ako nakatira. Pero bakit parang… “Huy, Oryang! Ano ba naman ‘yan?”pukaw ni Sharlene sa atensyon ko na ikinabalik ko sa huwisyo. “Malalampasan mo pa ‘ko sa pagkalutang mo, gaga ka!” Napakamot ako ng ulo. “Sorry, may iniisip lang.” Napapalatak siya at hinila ako. Pero kaagad na napatigil si Sharlene nang mapansin ang suot ko. Halos mapunta na kasi sa baba ko ang haba ng neckline ng turtleneck na bestida ko, at mahaba rin ang manggas niyon. “Huy teh, ‘di ka ba naiinitan? Tirik na tirik ‘yong araw tapos balot na balot ka—” “Ah, basta! Pumasok na tayo sa clinic at nang makapagpatingin na ‘ko!” putol ko sa kanya bago siya hinila papasok ng pinto ng clinic. Pagkatapos ako matingnan ng doktor sa loob ay niresetahan niya lang ako ng vitamins at sinabihan na magpahinga. Wala siyang nakitang mali sa ‘kin. Kakaiba na ang tingin sa ‘kin ng kaibigan ko nang makalabas kami ng clinic. “Oryang, sigurado ka bang okay ka lang?” may halong pag-aalala na tanong niya sa ‘kin habang nakaupo kami sa loob ng isang fastfood at hinihintay ang order namin. “I mean, baka may malalim kang iniisip, o…” Bahagya kong naitikom ang bibig ko. Kilala ko kasi si Sharlene. Skeptic siya pagdating sa mga tarot, dream meanings, at kung ano-ano pang may halong mistika. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at kinuha ang kamay ko. “Alam ko iniisip mo. Siguro akala mo hindi kita papakinggan, ‘no? Aurora, kilala mo ‘ko. Kung kailangan mo ng makakausap—” “May napapanaginipan akong lalaki gabi-gabi. Hindi ko makita ang mukha niya pero… palaging may nangyayari sa ‘min sa panaginip ko. At… hindi ko maintindihan pero parang kasingkatawan niya si Sir Raphael…” Tatawa sana si Sharlene, pero nakita niya ang pagkabahala sa mga mata ko. “Nasubukan mo na bang kumonsulta sa pari? Baka mamaya, hindi na maganda ‘yan…” Umiling ako. “Nag-umpisa lang naman ‘to no’ng umuwi si Sir Raphael dito. Isa pa, hindi ko talaga maalis sa isipan ko ‘yong katawan ng lalaki sa panaginip ko. Siyang-siya talaga at—” “Teka, paano mo naman nasabi na kasingkatawan ni Sir Raphael? Bakit, nakita mo na ba siyang nakahubad—” Namilog ang mga mata niya nang makita ang pag-iiba ng hilatsa ng mukha ko. “May nangyari sa inyo?” pabulong na tanong niya. “Kailan pa?” “Kahapon,” sagot ko. “May naghalo ng kung ano sa kape namin at pareho kaming tinamaan. At… may nangyari sa ‘min… sa office niya…” “Oh my goodness, Aurora!” Halo ang inis at pananabik sa tinig niya. “Gaga ka, sa dinami-rami ng lalaking umaligid sa ‘yo, isang Aguilar pala ang unang makakapasok sa ‘yo!” Hinampas ko siya, dahilan para hinaan niya ang boses niya. “Pero hindi ‘yon ang point, Shar, e… Pakiramdam ko, parang may nabura sa alaala ko. Sa tuwing nakikita ko si Sir, iba-ibang pakiramdam ‘yong umaahon sa dibdib ko. Na para bang may hindi ako maalala tungkol sa kanya, tapos sinasabi ng katawan ko na lumapit, o kaya naman e tumakbo. Ewan ko! Hindi ko na maintindihan…” “Na parang nakita mo na siya dati? Nakasiping mo na, gano’n?” Nagpakawala siya ng buntonghininga. “Oryang, tingin ko, sa kakabasa mo ‘yan ng smut na libro. Hindi rin naman kita masisisi kung nag-uumpisa ka nang managinip ng gan’yan. Para naman talagang galing sa libro ‘yong magkapatid na Aguilar na ‘yon…” “Siguro nga,” sabi ko habang sapo ang sentido ko. “Baka masyado lang akong tensyonado dahil do’n.” “Isa pa, magandang lalaki naman talaga si Sir. Hindi kita masisisi kung napapanaginipan mong nagse-s*x kayo.” Umahon ang kapilyahan sa mga mata ni Sharlene. “Pero kahapon… anong pakiramdam? Siya ba ang nauna? Baka naman mamaya pinagsamantalahan ka no’n at ‘di ka lang nagsasabi, ha! Tatapusin ko talaga lahi niya!” Umiling ako. “Hindi. Actually.. ako ‘yong nag-first move. Pinalayo niya ‘ko pero hindi ko na matiis ‘yong epekto ng aphrodisiac sa kape na nainom ko, at nakikita ko na rin na nahihirapan siya kaya…” Napapalatak si Sharlene. “Mukhang may housekeeper tayong nagtatangka pang manungkit ng mayamang mapipikot, ah. Hayaan mo, Oryang. Ako na mag-iimbestiga nang masumbong mo kay Sir.” Ngumiti ako. “Salamat, Shar…” “Gusto mo, sa susunod na Linggo, samahan kitang magsimba? Baka kailangan mo ring magbalik-loob,” suhestiyon niya na ikinakampante ko naman. Pinalaki kasi akong relihiyosa ng tiyahin ko, pagkatapos pumanaw ng aking ina mula sa bugbog. Nang mamatay si Tiya Sabel, nahinto na rin ang pagsisimba ko. Nang dumating ang pagkain namin ay pareho na ulit kaming natahimik, maliban sa paminsan-minsang kuwentuhan tungkol sa trabaho. Siguro ay tinatantiya rin ni Sharlene kung gusto ko pang mapag-usapan ang nangyari. O kung gusto ko na lang ‘yon kalimutan. Kung tatanungin ko ang sarili ko… Hindi ko alam. At mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko pagsapit ng Lunes na makikita ko na naman ang lalaking ‘yon. Paano ko ba makakalimutan ang unang gabi ko, gano’ng… Parang hinahanap ko na siya. Parang hindi ko na mapigilan na isipin ang mga nangyari sa ‘min kahapon. At alam kong… Mahirap kalimutan ‘yon. Hindi ko naubos ang pagkain ko, kaya naman pinabalot ko ang natira para sana may makain pa ako mamayang gabi. Nang makalabas kami ni Sharlene mula sa mall ay napansin ko ang isang matandang lalaking nakatalungko sa isang gilid, namamalimos. Napangiti siya nang makita ang iniaabot kong supot. Kinuha ‘yon ng matanda ngunit nang sandaling magtama ang mga kamay namin ay pareho kaming napatili ni Sharlene nang bigla na lang itong mangisay at tumirik ang mga mata. Pinilit kong hilahin ang kamay ko ngunit mas mahigpit ang kapit niya. Nagkalansingan ang mga mumunting medalyon sa leeg ng matanda. At lumakas ang ihip ng hangin sa paligid at unti-unting kumulimlim. Para bang nagbababala. Mayamaya ay huminto sa pangingisay ang matanda. Nang mahimasmasan ito ay kaagad na kumuha si Sharlene ng bottled water at pinainom ang matanda. “‘Tay, okay lang po ba kayo?” may halong pag-aalala na tanong ko. “Gusto n’yo po ba dalhin namin kayo sa ospital?” Umiling ito. “Hindi, hija… ayos lang ako. Pero ikaw…” Mataman niya akong tiningnan. “Alam mo ba kung anong klaseng nilalang ang pumapasok sa panaginip mo at umaaligid sa ‘yo?” Nanlamig ang katawan ko. Nagkatinginan kami ni Sharlene. “Anong…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD