Niyakap ni Kelly ang sarili habang nakatanaw siya sa bintana ng hotel. She'd slept away most of the day. Naging madugo nga ang panaginip niya, kaya natatakot na siyang matulog ulit. Nang magising kasi siya ay muli siyang naligo at kiniskis niya ng maigi ang kanyang balat hanggang sa mamula ito. It had helped a little. Pero hindi pa rin iyon sapat. Itinapat naman niya ang balat sa sinag ng araw dahil nakaramdam siya ng konting pagkaginaw, kaya lang hindi masyadong mainit sa araw na yon. Bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa don ang bagong ligo na si Vin. "Gutom ka na ba?"untag sa kanya ni Vin mula sa kanyang likuran. "No. Thanks." "Kumain ka naman ng konti. Kailangan mong maging malakas." "Wala akong gana ngayon." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Getting over your first

