Hinintay lang ni Vin na pumasok sa banyo si Kelly bago siya tumawag sa tanggapan nila. "Greenlantern here." Si Xevier Ruiz ang sumagot sa kanya. "Looks like you had some excitement last night. Naka satellite ka kasi. Okay lang ba kayong dalawa diyan?" "Yeah. Limang gonggong ang napatumba ko kagabi." "How's your girl?" "May isa siyang nabaril. Dead on the spot." Hindi na nagkomento pa si Xevier. Both men knew what it was like to experience a first kill. "Wag mo lang siyang pababayaan, okay?" pinal na sabi ng kaibigan. "Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan siya." "So ano ng plano mo ngayon?" "Bago ko tinigok ang isa sa mga lalaki na yon. Pinakanta ko muna ito kung nasaan ngayon naglulungga si Gamarillo. Baka nga bibisitahin ko siya bukas." "Gusto mo ng backup?

