Tulala pa rin si Kelly kahit inilayo na Vin sa mukha niya ang hawak nitong baril. "Por dios por santo kelly, ano bang ginagawa mo rito?" sabi pa sa kanya ng binata. "Nakita kong may limang lalaki na dumarating." "Ano? Nasaan?" Sinabi niya kay Vin na dito lang niya nakita yong limang lalaki bago palang siya nakababa, at sa tingin niya nasa paligid lang sila. Vin talked low and fast. "Tara na umalis na tayo dito bago pa nila tayo pagbabarilin. Diyan ka lang sa likod ko. At magmatyag ka na rin sa kapaligiran." It was akward going, knowing that anytime maari nga silang pagbabarilin ng mga kalaban. She was sweaty, covered in sand, and scared to death. Masakit na rin ang mga paa niya sa kakalakad, and she was out of breath. Pero si Vin hindi talaga niya ito nakitaan ng pagod at mabilis pa

