LIMANG BUWAN ANG NAKALIPAS.. Tulala akong nakaharap sa malaking salamin habang nakatitig sa sarili. Ito ang araw na muli akong babalik sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang asawa ko. Sa bawat buwang nakalipas, paulit-ulit akong nagbakasali na marahil bumalik na ito ng Pilipinas. Ngunit bigo lang akong umuuwi ng condo. At ngayon muli akong susubok. Hindi ako magsasawa hanggang sa malaman kong bumalik na siya. Nakasuot akong wine lunch sexy gold velvet sequined v-neck dress high waist slimmer look hip na talaga namang ang sexy ng dating. Lalo akong tumangkad at kitang-kita ang balikat at dibdib ko. Nilugay ko ang mahabang buhok ko na pina-curly ng kaunti. Dala ang maliit na shoulder bag at saka lumabas ng condo. ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa bu

