Kumibot ang labi ko ng hindi ko yata makita ang receptionist na madalas kong mapagtanungan. Iba ang naka-duty. "Good morning, ma'am. What can I do for you?" magalang na tanong nito. "Hi. Itatanong ko lang sana kung pumasok na si Clark Herson Mandrik?" "May appointment po ba kayo sa kaniya ma'am?" tanong nito. Kumunot ang noo ko. No'ng una kong punta rito, ganito din ang tanong sa akin. Masyado bang mataas ang posisyon ng manager at tinatanong pa if may appointment ako? Sa huli, mas pinili ko na lang ang sagutin ang tanong nito para matapos na. "Wala eh. Pero pabalik-balik na ako rito at kilala na ako ni Laura, iyong isang receptionist dito. Sabi niya, bumalik na lang daw ako at this week darating si Clark," sagot ko. "Actually, ma'am hindi po kayo maaaring makausap ni Sir Clark w

