"Wala ka bang ipag-uutos sa akin?" Kagat labing wika ko. Nagsisimula na itong magluto. Lumingon ito sandali. "Just stay there." Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko. Kulang na lang manguyapit ako sa kilig. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang asawa. Ang laki talaga ng pinagbago ng katawan nito. Napakakisig. Ang muscle nito na talaga namang bumabakat sa t-shirt na ipinasuot ko rito. Naalala ko pa ng mayakap ko ito. Grabe, ang tigas ng tiyan. Halatang ma-abs! Minsan nga naiisip ko kung kailan ko kaya makikitang nakahubad ito ng damit? Napaka-lalaking-lalaki ang datingan ng asawa ko. Na kahit na sinong babae, papangarapin na maging asawa ito. Nakaramdam ako ng takot. Takot na baka maagaw ito ng iba. Na baka maibigay nito ang atensyon na ibinibigay nito noon sa akin. Kung

