Humugot ako ng buntong hininga bago bumaba ng kotse. Ito ang unang araw na haharap ako sa isang business meeting without dad. Saktong pagsakay ko ng elevator ay siyang pagsakay ng isang babae. Ngunit ang babaing iyon ay walang iba kun'di ang Kiana. Humarap ito sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Akalain mo nga naman, naglakas loob na humawak ng isang kompanya, pero wala namang kaalam-alam." Sabay tawa nito ng nakakainsulto. Lihim kong naikuyom ang kamao ko. Kung nasa maling sitwasyon lang kami nito, kanina ko pa ito pinatikim ng kamao ko ng tumahimik. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at ganito ako nito pag-initan. Dahil ba sa gusto nito ang asawa ko? Tsk. "Sigurado ka?" Sabay ismid at taas ng kilay sa babae. "Well, let's see." Sabay ngisi nito sa akin. Lihim naman akon

