Malungkot akong nakatingin sa nag-iisang anak. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at nakatanaw sa kawalan. Simula ng ilibing ang bangkay ng asawa nito, hindi na ito makausap. Bigla na lang tutulo ang luha nito at hihikbi. Hindi ito nagsasalita ng kahit ano. At iyon ang kinatatakutan ko bilang isang ama. Ayokong mawala ito sa sarili. Kaya naman bantay sarado ito at baka gumawa ng bagay na hindi kanais-nais. Isang BUWAN na ang nakalilipas simula ng mamatay ang asawa nito ngunit nanatili pa rin itong tulala at ayaw magsalita. Ayon sa Doctor, malaking pagkabigla ang nangyari para dito. Kaya pansamantala itong nagkakaganito. Ngunit kailangan daw itong sikaping kausapin at aliwin dahil makakasama sa ipinagbubuntis nito. Yes, my daughter is pregnant. Masaya at malungkot ang nararamdaman ko.

