After 6 months.... Natigilan si Aries sa pagmumuni-muni sa terrace. Napunta ang atensyon niya sa tumatawag. Sinagot niya 'yon at agad nakilala ang boses. "Hello? Aries, si Jarvis 'to." "Oh?" "Okay na. Wala na kayong dapat alalahanin pa," pagpapahinahon ni Giordani. "Si Lilibeth ay nasa custody na ng kaniyang mga lolo at lola. Hindi mapupunta sa orphanage o DSWD ang bata." Nakahinga nang maluwag si Aries. "Mabuti naman, inuusig kasi ng konsensya si Leona. Kahit pa anak siya ng mga may-sala, hindi pa rin tamang madamay siya sa gulo." "Maayos na ba si Leona?" Dumako ang paningin ni Aries sa may-bahay na nag-aayos ng sarili sa tapat ng stand-up mirror. Nakabihis ng white fitted dress ang babae, nakapuson ang buhok. Naglagay rin siya ng kolorete sa mukha. Napakaganda ng asawa niya. "

